Sean hindi naniniwalang nabuntis ni Aljur si AJ; sex scenes sa 'The Influencer' brutal, madugo, pasabog | Bandera

Sean hindi naniniwalang nabuntis ni Aljur si AJ; sex scenes sa ‘The Influencer’ brutal, madugo, pasabog

Ervin Santiago |August 07,2022
facebook
share this

Sean hindi naniniwalang nabuntis ni Aljur si AJ; sex scenes sa ‘The Influencer’ brutal, madugo, pasabog

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 06:52 AM

Cloe Barreto at Sean de Guzman

KUNG ang leading man ni AJ Raval na si Sean de Guzman ang tatanungin, fake news talaga ang balitang buntis ang dalaga courtesy of her rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ayon sa sexy actor na bida ngayon sa original Vivamax sexy psychological-thriller movie na “The Influencer” under 316 Media Network, hindi siya kumbinsido na nagdadalang-tao ang kaibigan niyang si AJ.

“Hindi ako naniniwala! Kasi nagtatrabaho pa rin siya, di ba?  Tsaka napag-usapan na namin yan dati pa. Actually mga three months ago pa bago lumabas yang ganyan isyu sa kanya.

“Kumbaga, bumalik na lang ulit ngayon. Sabi niya sa akin nung time na ‘yun, pinag-usapan namin na parang iniisyu na naman daw siya na buntis kahit hindi,” pahayag ni Sean sa isang panayam.

Dagdag ng aktor, “Tinatanong ko naman siya kung buntis siya. Hindi naman siya buntis talaga.
Kumbaga, siguro parang wala lang mahalukay sa kanya ang ibang tao. Pero ‘yun nga, sabi ko nga, wala naman ako sa posisyon para pakialaman yung mga isyu nila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


Nakatambal ni Sean si AJ sa mga Vivamax movie na “Nerisa,” “Tay” at “Hugas”. Ang huli nilang project together ay ang online series na “Iskandalo.”

“Hindi na kami masyadong nagkakausap ngayon. Last time nagsama kami sa series pa na Iskandalo. Pero alam naman namin sa aming dalawa na we’re friends.

“Magkaibigan pa rin naman kami. Close pa rin kami kaso nga lang siyempre lagi siyang nasa trabaho. And kapag nagkakayayaan naman kami, ‘Tara, labas tayo’ nagkakataon naman na may trabaho ako tapos siya free, tapos minsan may trabaho naman siya ako naman yung wala,” chika pa ni Sean.

“Nami-miss ko na nga siyang makatrabaho kasi yung bonding din namin iba kapag nasa shoot kami. Ang message ko sa kanya, basta huwag kang masyadong magpaapekto sa mga sinasabi ng tao sa ‘yo kung alam mo naman yung katotohanan. Masaya ako na masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya,” pahayag ng binata.

Samantala, proud na proud si Sean sa bago niyang pelikula na “The Influencer” na mapapanood na sa Vivamax simula sa August 12 dahil marami ang nagkomento na ito na ang best movie niya so far.

At agree naman kami rito dahil napanood na rin namin ang pelikulang pinagbibidahan nila ng Vivamax bombshell na si Cloe Barreto sa ginanap na private screening nito sa Gateway Cinema 7 last Friday, July 4.

In fairness, bukod sa sandamakmak na hubaran at sex scenes, maganda rin ang pagkakalahad ng kuwento tungkol sa isang lalaking social media influencer (Sean) na ikinulong at ginahasa ng isa niyang babaeng stalker (Cloe).

Ito ang unang pelikula ni Direk Louie Ignacio sa Vivamax at hindi naman nagkamali ang mga bossing ng Viva Entertainment na bigyan siya ng project dahil matino at maganda naman ang pagkakagawa niya sa “The Influencer.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sure kami na hindi mabibitin ang mga manonood sa sex scenes na pinaggagawa nina Sean at Cloe sa movie pero may warning lang kami — pasabog pero madugo at brutal ang mga ito lalo na ang ginawa ni Sean kay Cloe sa ending.

AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!

Sean de Guzman, Cloe Barretto wala nang malisya sa isa’t isa: Trabaho lang po

AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending