Glydel kinatatakutan pagpapakasal ng mga anak: Parang baby ko pa rin sila
ISA sa mga kinatatakutan sa buhay ng premyadong aktres na si Glydel Mercado ay kapag nagpakasal na ang mga anak nila ng asawang si Tonton Gutierrez.
Aminado ang “Shining Inheritance” star na kahit malalaki na ang dalawang anak na babae ay baby pa rin ang tingin at turing niya sa mga ito.
Sa panayam kay Glydel ng “Fast Talk With Boy Abunda”, natanong ang aktres kung ano ang kanyang greatest fear bilang nanay. Ang kanyang sagot — kapag nagdesisyon na ang mga ito na mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya.
Baka Bet Mo: Glydel Mercado ipinakulam ng kapamilya, bigla na lang nangayayat: ‘Gusto nila buhay ko ang kapalit!’
“E, kasi siyempre parang, kahit na 20 years old na si Aneeza ngayon, feeling ko baby pa rin siya. Parang baby ko pa rin.
“Tapos ‘yung 12 years old ko kahit na 5’6 na yung height, kahit na ang laki-laki na niya, parang baby pa rin,” pag-amin ni Glydel.
View this post on Instagram
Hindi naman daw sa pakikialam, pero mas gusto ng aktres na makilatis muna ang mga magiging partners in life ng mga anak nila ni Tonyon.
“Siyempre, kailangan makilala muna namin ‘yung lalaki. Ayoko maging judgmental, pero siyempre, gusto ko munang makilala yung character niya dahil precious tong mga anak ko para sa akin,” ang sey ng Kapuso actress.
View this post on Instagram
Hangga’t maaari raw ay, “Ayaw namin silang pakilaman. Like si Aneeza, ‘yung panganay, gusto niyang mag-aral sa ibang bansa.
“Kahit na ako ina-anxiety tuwing aalis siya, pinapayagan namin kasi para i-spread niya ‘yung wings niya. Tiyak ngayon very proud ako dahil ang dami niyang alam, intelihente siya kausapin. Kaya nakakatuwa,” sabi pa ni Glydel.
Isa raw sa palaging paalala nina Glydel at Tonton sa kanilang mga anak, “‘Yung wagas na pagmamahal ko sa kanila bilang isang ina at siyempre bilang asawa.”
Samantala, sa tanong kung ano ang “best thing” tungkol sa pagiging 50, “I’m still young. I mean, sa sarili ko, iniisip ko, I’m still young, and mas marami pa kong ma-aachieve sa mga dreams ko at sa mga goals ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.