Glydel Mercado ipinakulam ng kapamilya, bigla na lang nangayayat: 'Gusto nila buhay ko ang kapalit!' | Bandera

Glydel Mercado ipinakulam ng kapamilya, bigla na lang nangayayat: ‘Gusto nila buhay ko ang kapalit!’

Ervin Santiago - January 01, 2023 - 02:46 PM

Glydel Mercado ipinakulam ng kamag-anak, bigla na lang nangayayat: 'Gusto nila buhay ko ang kapalit!'

Joaquin Domagoso, Glydel Mercado at Aneeza Gutierrez

KINULAM ang award-winning actress na si Glydel Mercado kaya biglang nangayayat hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kanyang katawan.

Yan ang kuwento ng misis ni Tonton Gutierrez sa amin at sa ilan pang miyembro ng entertainment press nang makachikahan namin siya sa presscon ng pelikulang “That Boy In The Dark” bago mag-Bagong Taon.

Ayon kay Glydel, namayat siya nang bonggang-bongga dahil hindi siya nakakakain nang maayos mula nang mawalan siya nang gana nitong mga nakaraang buwan.

Agad naman daw siyang kumonsulta sa mga espeyalista para malaman kung ano ang problema sa kanyang kalusugan pero ang sabi ng mga doktor base sa mga resulta ng kanyang medical test ay okay naman daw siya.

Nagtuluy-tuloy daw ang hindi maipaliwanag niyang kundisyon at patuloy na nalaglag ang kanyang katawan hanggang sa magkaroon na siya ng palpitation, anxiety attacks at fear of food.

Kasunod nito, naging 90 pounds na lang ang timbang niya at wala pa ring ganang kumain kaya nagdesisyon na raw siyang magpatingin sa albularyo o faith healer kasama ang asawang si Tonton.

Ayon sa nagtawas sa kanya, may dalawang taong nasa likod ng pagpapahirap sa kanya at isa raw dito ay kamag-anak niya. Posibleng ito ang nagpakulam sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glydel Mercado (@glydelmercado)


Ang feeling ni Glydel, ang tinutukoy ng albularyo ay ang kaanak niya na hindi niya natulungan. Kuwento ng aktres, “After taping for the series ‘Artikulo/247’ noong January, nagkaroon ako ng palpitation, anxiety attacks at fear of food. Kapag sinasabing kakain na, nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain.

“Nagpa-executive check-up ako kasi sabi ko kay Ton iba na ang nararamdaman ko. Three days ako na-confine sa hospital. Lahat ginawa sa akin at okay daw ako.

“Sabi ko, ‘Doc hindi puwedeng okay kasi may nararamdaman ako.’ Ang ginawa nila pinabalik ako sa psychiatrist ko. After ng doctor, nagpatawas ako. Naniniwala kasi ako sa tawas,” pagbabahagi ni Glydel.

“After one week, may palpitation na ako during the taping. In May after ma-confine, pagkagising palpitate agad ako. So nagpatawas agad ako. Sila ang lumabas at dalawa sila. Nagpatulong sila sa isang matabang babae na hindi ko maintindihan.

“Every Tuesday and Friday ang session namin noon so naka-red ako. May pangkontra ako sa bulsa. Ganu’n pa rin nanginginig ako. Then parang nakausap ng albularyo ko at ang gusto nila buhay ko ang kapalit.

“Oh my God! Buong buhay ko tinulungan ko sila tapos ganu’n lang ang gusto nilang gawin sa akin? Hindi talaga ako makapaniwala nu’ng una na sila yun.

“Seven Fridays and seven Tuesdays yun. Noong last Friday ko, tapos na lahat ang rituals, nagulat ako noong November, namatay siya (kaanak).

“Ipinagdasal ko pa rin siya dahil kamag-anak ko siya. Ang ginawa kasi ng albularyo ko, ibinalik sa kanila.

“Sabi ko naman noon ayokong ibalik, gusto ko lang gumaling. Eh, nagalit yung albularyo ko kasi lumalaban daw. Gusto nila talaga akong mamatay. After that, bigla na lang akong ginanahan kumain. Parang nagdahilan lang talaga,” tuluy-tuloy na kuwento ni Glydel.

Patuloy pa niya, “So, inalam namin paano namatay. Ang sabi kumain lang daw, natulog tapos hindi na nagising. Sabi ko at least hindi siya nahirapan.

“Noong buhay pa ang daddy ko, tinulungan sila noon, mga 12 years old pa lang ako noon. Tapos noong namatay ang daddy ko, iniwan nila kami. Bumalik sila noong artista na ako kasi siguro alam nila may pera na ako.

“Talagang affected ako noon at hindi ako tumanggap ng trabaho for nine months. Sabi nga noong doctor, ang taas na ng binibigay kong dosage bakit walang epekto?

“Si Tonton sinamahan niya ako sa hospital, doon din siya natulog. Naniniwala kami sa tawas kasi kapag yung mga anak namin may nararamdaman, pinapatawas din namin. Kaya ang daming nagtataka bakit daw ako ganu’n kapayat,” rebelasyon pa ni Glydel.

Sa ngayon ay okay na okay na raw siya, “Simula noong November, healed na ako. Okay na ako.”

Samantala, excited na ang aktres sa pagpapalabas ng bago niyang pelikula, ang “That Boy In The Dark” na showing na sa mga sinehan simula sa January 8.

Bukod sa ito ang unang pelikulang Filipino na ipalalabas pagkatapos ng Metro Manila Film Festival 2022, kasama rin niya rito ang anak nila ni Tonton na si Aneeza Gutierrez.

Bida sa suspense-drama-thriller film na ito si Joaquin Domagoso na umani na best actor award sa iba’t ibang international film festival. Ito’y sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga ‘ko!

Dennis tagos sa puso ang Mother’s Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending