Dennis tagos sa puso ang Mother's Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo | Bandera

Dennis tagos sa puso ang Mother’s Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo

Ervin Santiago |May 09,2022
facebook
share this

Dennis tagos sa puso ang Mother’s Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 05:15 PM

Jennylyn Mercado at Baby D

IPINASILIP na ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang mukha ng bagong silang nilang anak na si “Baby D”.

Sa pakikibahagi sa selebrasyon ng Mother’s Day kahapon, nag-post ang Kapuso Drama King sa Instagram ng litrato ni Jennylyn habang kalong ang kanilang baby.

In fairness, ang ganda-ganda ng IG photo na ibinahagi ng Kapuso actor kaya naman libu-libong likes at comments ang nakuha nito mula sa mga netizens.

“Gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya,” sabi ni Dennis sa kanyang caption.

“Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka gandang anak na kamukha mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa ‘yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo,” pahayag pa ng aktor patungkol kay Jennylyn.

“Happy Mother’s Day! I love you,” ang pagbati pa ni Dennis sa kanyang pinakamamahal na misis.
Matatandaang isinilang ng tinaguriang Kapuso Ultimate Star ang first child nila ni Dennis last April 25.

Pareho na silang may anak sa dati nilang karelasyon — sina Jazz (anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia) at Calix (anak ni Dennis kay Carlene Aguilar).

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

LOOK: Paano ipinagdiwang ng celebrity moms ang Mother’s Day?

Jennylyn bibida pa rin sa ‘Love, Die, Repeat’; balik taping pagkatapos ang panganganak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending