Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga 'ko! | Bandera

Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga ‘ko!

Ervin Santiago |June 02,2021
facebook
share this

Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga ‘ko!

Ervin Santiago - June 02, 2021 - 11:58 AM

MUNTIK na palang mag-quit noon sa showbiz si Kim Chiu nang dahil sa isang sampalan scene na ginawa niya sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN.

Inamin ng Kapamilya star at “It’s Showtime” host na talagang naapektuhan siya sa makatotohanang pagsampal sa kanya ng veteran actress na si Glydel Mercado.

Nangyari raw ito sa isang madramang eksena nila ni Glydel sa teleseryeng “Sana Maulit Muli” na ipinalabas noong 2007. Ramdam na ramdam daw niya ang sakit ng sampal sa kanya ng magaling na aktres. 

Sa kanyang “Truth or Drink” vlog, isa nga sa tanong na sinagot niya ay kung nasampal na ba siya nang totohanan ng kapwa artista sa mga ginawa niyang proyekto.

“Yes” ang reply ni Kim kasabay nga ng pag-amin na muntik na raw siyang umuwi noon sa Cebu at huwag nang ituloy ang pag-aartista.

“Ay, OK lang. Truth. Glydel Mercado. ‘Sana Maulit Muli’, yung first teleserye ko. Ang sakit talaga (ng sampal) pero du’n ko naman hinugot yung acting ko sa eksenang yun. Kaya okay lang naman,” pahayag ng dalaga.

Pagkatapos daw ng kanilang sampalan scene agad daw nagkulong sa kanyang sasakyan si Kim at napaisip nga na iwan na ang showbiz. 

Nagsisimula pa lang kasi siya noon sa pag-aartista matapos tanghaling Big Winner sa “PBB Teen Edition” taong 2006 kaya hindi pa siya masyadong sanay sa mga pisikalan na eksena.

“Tumakbo talaga ako sa kotse ko, nagkulong ako du’n dahil ang sakit talaga. Crayola (umiyak) talaga ako nu’n, gusto ko nang umuwi that time sa Cebu. Buti na lang napigilan ko ang self ko, nagbalik pa ako sa work,” ang chika pa ni Kim.

Samantala, hindi naman sinagot ni Kim ang tanong kung sinu-sino sa mga celebrities ang ayaw na niyang makatrabaho o yung may mga attitude at pasaway.

Mas pinili ni Kim ang “drink” sa challenge kesa sagutin ang question kaya ininom niya ang brandy ay wine bilang consequence.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaunti lang sila. Drink na lang kasi konti lang naman yun,” sey ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending