Direk Wenn may pangit na karanasan noon sa shooting ni Tonton Gutierrez | Bandera

Direk Wenn may pangit na karanasan noon sa shooting ni Tonton Gutierrez

Julie Bonifacio - March 04, 2016 - 03:00 AM

WENN DERAMAS AT TONTON GUTIERREZ

WENN DERAMAS AT TONTON GUTIERREZ

BUMAHA ng luha sa second night ng wake ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Hindi na napigilan ni Vice ang humagulgol nu’ng yumakap at nakiramay ang iba pang artista na malapit sa puso ni Direk Wenn pagkatapos silipin ang labi ng Box-Office Director.

Bumigay na nang husto sa pag-iyak si Vice habang yakap-yakap sina John Arcilla at ang movie queen na si Gloria Romero.

Present din sa misa for Direk Wenn at sa kapatid niya na si Mary Ann “Wawa” Deramas bukod kay Vice ang executives ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Laurenti Dyogi, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Candy Pangilinan, Alex Gonzaga at Luis Manzano.

Halos magkasunod na dumating sa wake ni Direk Wenn si Gloria at ang Kapuso host na si Arnold Clavio. Nakasalubong ni Direk Lauren si Arnold habang nakapila sa pagsilip sa coffin ni Direk Wenn.

Nagkabatian sila saglit and then dumiretso na si Direk Lauren kay Gloria na nakaupo sa kabilang side para batiin.

Nandoon din ang mga dalawang kapatid na babae ni Direk Wenn na dumating noong Martes ng umaga galing Amerika, ang panganay na anak niya na si Gabrielle Michael o Gab. May isa pang anak si Direk Wenn na naiwan, ang four year old na si Rapahella “Raffy” Leedia. Ang Leedia ay mula sa pangalan ng ina ni Direk Wenn na si Mommy Lydia.

In good hands naman daw ang mga anak ni Direk Wenn kahit wala na siya. We heard isa sa mga ate ni Direk na naka-base na sa US ang maiiwan sa Pilipinas para alagaan ang mga ito. Sa bahay pa rin na ipinundar ni Direk Wenn sa Tivoli Royale titira ang mga bata.

Ang komedyante at huling nakasama ni Direk Wenn bago siya bawian ng hininga na si Atak Arana ang unang bumungad sa amin sa Arlington, “Wala na ang friend natin,” malungkot na salubong sa amin ni Atak.

Pagkatapos ng misa ay isa-isa na naming binati ang mga trusted and very efficient staff ni Direk Wenn mula sa kanyang dating assistant director na si Allan, sa PD (production designer) niya na si Kuya Danny hanggang sa mga talent na madalas niyang kunin sa kanyang mga blockbuster films.

Sa labas ng chapel namataan naman namin na iniinterbyu ang best friend at classmate ni Direk Wenn since elementary na si Albino. Gagamitin daw ang naturang interview sa tribute na ibibigay ng ABS-CBN kay Direk Wenn sa Sabado sa Dolphy Theater.

Gaya ng iba pang Kapamilya personalities na pumanaw, magkakaroon din ng isang araw ang mga kasamahan sa trabaho at kaibigan ni Direk Wenn sa ABS-CBN para magbigay ng kanilang huling respeto.

From ABS-CBN, dadalhin na ang mga labi ni Direk Wenn at kapatid na si Wawa sa Himalayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Q.C., dito rin nakalibing ang kanyang ina.

Anyway, halos lahat ng mga malalaking artista ngayon na pinasikat at tinulungan ni Direk Wenn ay dumating na sa Arlington gaya nina Claudine Barretto, Eugene Domingo at Ai Ai delas Alas.

Most dramatic daw ang pagdating ni Claudine dahil papasok pa lang siya ng chapel, e, grabe na ang lakas nang matinding hikbi ng aktres. At nu’ng ilang steps na lang siya malapit kay Direk Wenn, saka naman bigla siyang tumalikod at nagmamadaling hinila ang kasama niya palabas.

Hindi raw kaya ni Claudine na makita ang bangkay ni Direk Wenn. Of course, ‘di pwedeng wala ang Diamond Star sa unang gabi ng wake ni Direk Wenn. Proud Maricilean kasi si Direk Wenn habang ang best friend niya na si Albino ay Sharonian naman.

Si Albino ang nagyaya kay Direk Wenn nu’ng high school pa lang sila sa shooting ng movie ni Sharon Cuneta with Tonton Gutierrez. Medyo hindi naging maganda ang treatment ni Tonton noon kay Direk Wenn bilang fan na nagpupunta sa shooting ng kanilang idolo.

Kaya sinabi noon si Direk Wenn sa sarili na kapag naging direktor siya may something siya na gagawin kay Tonton. Bata pa kasi at nagsisimula pa lang noon sa showbiz si Tonton. Dumating ang panahon na nagkatrabaho nga sila.

Nakwento niya kay Tonton ang una nilang pagkikita at nagkatawanan na lang daw sila. Next month nakatakda sanang tanggapin ni Direk Wenn ang Box-Office Director trophy sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa success ng last movie niya na “Beauty and the Bestie”.

This is his seventh consecutive award sa kategoryang ‘yan sa Guillermo and every year pinaghahandaan nang husto ni Direk Wenn ang kanyang susuutin. And for this year, gawa na raw ang damit ni Direk Wenn mula sa paborito niyang designer na si Avel Bacudio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

According to our source, ‘yung damit na pinasuot kay Direk Wenn sa kanyang burol ang dapat sana’y susuutin niya sa Guillermo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending