Tonton ayaw makisawsaw sa hiwalayang Richard-Sarah

Tonton ayaw makisawsaw sa hiwalayang Richard-Sarah: ‘Hindi ko tinanong’

Ervin Santiago - December 02, 2023 - 01:22 PM

Tonton ayaw makisawsaw sa hiwalayang Richard-Sarah: 'Hindi ko tinanong'

Tonton Gutierrez, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati tungkol sa chikang matagal na silang hiwalay.

Kahit ang mga taong malapit sa celebrity couple ay ayaw magbigay ng kanilang  saloobin at opinyon sa umano’y nawasak na pagsasama ng mag-asawa.

Kaya naman sa naganap na presscon ng pelikulang “Unspoken Letters” kung saan isa sa mga bida ang kapatid ni Richard na si Tonton Gutierrez, ay natanong ang aktor tungkol sa kontrobersya.

Nakorner namin ang husband ni Glydel Mercado after ng mediacon ng naturang pelikula kasama ang ating mga colleagues na sina Vinia Vivar at Dondon Sermino at hiningan nga ng reaksyon about Richard and Sarah.

Simulang question kay Tonton, ano ang feeling niya kapag may mga showbiz couples na naghihiwalay lalo pa’t itinuturing na isa sa mga solid na relasyon sa showbiz ang marriage nila ni Glydel.

Baka Bet Mo: Anak nina Tonton at Glydel kamukhang-kamukha ni Liza Lorena; sumabak na rin sa pag-aartista, pero…

“Teka, leading na ba ‘to sa aking kapatid?” ang balik-tanong ng veteran actor.

“Kung gusto mong tumbukin ‘yung tungkol kay Richard at kay Sarah, sa totoo lang, wala talaga akong alam.

“Nagkasama kami ni Richard nu’ng binyag ng anak ng kapatid namin na si Rocky, hindi namin napag-usapan, hindi ko siya tinanong. I gave him that respect,” tugon ni Tonton.

“So, I have no idea kung meron mang hiwalayan whatsoever,” aniya pa

Nabanggit din daw sa kanya ni Glydel ang hiwalayan issue kina Richard at Sarah, “Sabi ko, hindi ko alam, eh. So, si Glydel was there also, hindi naman namin tinanong. Wala kaming tinanong sa isa’t isa kahit sa mga kapatid namin, ‘o, totoo ba, si Richard…’ wala. Respeto.”

Anyway, magkasama sina Tonton at Glydel sa family drama movie na “Unspoken Letters” kung saan first time silang gaganap na mag-ina.

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga ‘Marites’ tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Si Glydel ang nanay ni Tonton sa movie na idinirek nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico. Natatawa nga si Tonton habang nagkukuwento tungkol sa kanilang mga role sa movie.

Kung paano nangyari ang ganitong twist sa “Unspoken Letters”, yan ang dapat n’yong abangan. Showing na ito sa December 13 sa mga sinehan nationwide mula sa Utmost Creatives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lead star sa “Unspoken Letters” ay ang award-winning young actress na si Jhassy Busran kasama sija Gladys Reyes, Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez, MJ Manuel at Christine Samson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending