Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga 'Marites' tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga ‘Marites’ tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Therese Arceo |November 22,2023
facebook
share this

Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga ‘Marites’ tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Therese Arceo - November 22, 2023 - 02:37 PM

Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga 'Marites' tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez

HANGGANG ngayon ay marami pa ring nang-iintriga sa “Abot Kamay na Pangarap” star na si Kazel Kinouchi ukol sa koneksyon niya kay Richard Gutierrez.

Talaga namang tinutukan ng mga netizens ang kanyang live selling sa TikTok para alamin ang katotohanan ukol sa ibinabatong isyu sa kanila ng Kapamilya actor.

Kaya naman tinanong si Kazel ng mga netizens kung bakit nasa iisang area silang dalawa.

Spotted rin na nasa lugar ng Halloween party ang mga anak nina Richard at Sarah Lahbati na sina Zion at Kai.

Lahad ni Kazel, “Hindi po totoo ‘yon… ang ganda ko naman po… grabe kayo ha… ang haba naman ng hair ko, guys.”

Dagdag pa niya, “Thank you for free publicity but sad to say that’s not true, so wala kayong juice na makukuha from me.”

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may ‘something’ sila ni Richard Gutierrez: Don’t believe everything you see on the internet

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nakiusap rin si Kazel na sana’y tigilan na ng mga netizens ang pang-iintriga sa kanya dahil wala namang katotohanan ang chikang may something sa kanila ni Richard.

“Kapitbahay lang po namin ‘yon, maawa po kayo sa akin, huwag ninyo akong pagtsismisan,” sabi pa ng aktres.

Nagbiro pa nga si Kazel na ang taas ng views ng kanyang TikTok live dahil sa mga mosang na nag-aabang ng kanyang pahayag.

Kahit nga paulit-ulit sa pagtatanong ang mga netizens at paulit-ulit ang kanyang pag-e-explain sa mga ito ay hindi siya naiinis o napipikon sa mga ito.

Matatandaang kamakailan lang nang pagpiyestahan sa social media ang video at mga screenshots kung saan makikitang nasa iisang lugar lang sina Kazel at Richard.

Hindi naman maiwasan ng mga netizens ang magduda lalo na’t usap-usapan rin na tila hiwalay na ang mag-asawang Richard at Sarah dahil napansin ng mga netizens na hindi na sila nagpo-post ng pictures together at may absent na isa sa tuwing magba-bonding sila kasama ang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang kampo nina Richard at Sarah ukol sa isyu pero spotted sa mga larawan na suot pa rin ng Kapamilya actor ang kanyang wedding ring.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending