Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may 'something' sila ni Richard Gutierrez: Don't believe everything you see on the internet

Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may ‘something’ sila ni Richard Gutierrez: Don’t believe everything you see on the internet

Therese Arceo |November 18,2023
facebook
share this

Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may ‘something’ sila ni Richard Gutierrez: Don’t believe everything you see on the internet

Therese Arceo - November 18, 2023 - 03:56 PM

Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may 'something' sila ni Richard Gutierrez: Don't believe everything you see on the internet

Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez

AGAD na inalmahan ng Kapuso actress na si Kazel Kinouchi ang mga chikang may “something” sa pagitan nila ni Richard Gutierrez.

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang mga larawan kung saan makikitang nasa iisang lugar at tila magkasama sila ng Kapamilya actor.

Si Kazel ay kilala sa kanyang pagganap bilang “Zoey” sa hit Kapuso series na “Abot Kamay na Pangarap”.

Ayon sa mga larawan ay makikita ang dalawa sa isang Halloween party at kasama rin nila sina Zion at Kai na anak ng aktor sa asawang si Sarah Lahbati.

Kaya naman hindi maiwasan ng madlang pipol ang ma-curious at intrigahin si Kazel lalo na’t napapabalitang tila may pinagdaraanan ang mag-asawang Richard at Sarah.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez may bagong post ukol sa ‘moving forward’, deadma sa isyung hiwalayan nila ni Sarah Lahbati

Sa katunayan, may mga netizens ang hindi na nakapagpigil at nag-comment na sa latest Instagram post ni Kazel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Is Richard Gutierrez and you in a relationship?” diretsahang tanong ng netizen kay Kazel.

Sagot ng dalaga, “NO.”

May isa pang nagsasabing dismayado siya kay Kazel.

Hirit pa nito, pina-follow pa man din siya ng asawa ni Richard.

Tugon ni Kazel, “Get a life, seriously.”

Isang netizen naman ang nagsabi na huwag sanang pumatol ang Kapuso actress sa may asawa na at huwag sirain ang kanyang magandang karera.

“KAZEL PLS LANG WAG NA WAG KA PAPATOL SA MAY SABIT NA. WAG MO SIRAIN KARIR MO NAPAKAGANDA MO AT MAGALING KA ARTISTA YOU HAVE A BRIGHT FUTURE AHEAD DI MO KELANGAN MAKALADKAD SA MGA ISSUE PARA SUMIKAT MAGALING KA NA AT LALO KA PA GAGALING.”

Sagot nito, “Don’t believe everything you see on the internet.”

Samantala, wala pa namang tugon o reaksiyon, o pahayag si Richard ukol sa isyung pagka-link nila ni Kazel Kinouchi.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize

Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho: Wala siyang kapaguran…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending