Richard inspirasyon si Coco para lalong galingan sa trabaho

Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho

Pauline del Rosario |November 09,2023
facebook
share this

Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho

Pauline del Rosario - November 09, 2023 - 10:30 AM
Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho: Wala siyang kapaguran…
Richard Gutierrez, Coco Martin

BUKOD sa pamilya, ibinunyag ng aktor na si Richard Gutierrez na isa rin sa mga inspirasyon niya upang lalong galingan sa pagiging aktor ay ang fellow Kapamilya star na si Coco Martin.

Sinabi ‘yan mismo ni Richard kasabay ng kanyang contract signing with ABS-CBN kamakailan lang.

Inalala pa nga ng aktor ‘nung naging parte siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2020 bilang si “Lito Valmoria.” 

Ayon kay Richard, na-witness niya kung gaano kasipag at katiyaga si Coco pagdating sa trabaho.

“Nakatrabaho ko si Coco Martin nang dalawang taon sa ‘Ang Probinsyano.’ Wala siyang kapaguran at nakita ko ‘yun sa kanya,” kwento ni Richard.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez binansagang James Bond ng Pinas dahil sa ‘The Iron Heart’: ‘I can consider this as my best action project!’

Dagdag pa niya, “It’s because of his passion and it’s because of the people he works with and I was able to see that and get inspired by that as well.”

At matapos ang matagumpay niyang drama series na “The Iron Heart,” sinabi ni Richard na nais niyang mag-focus ngayopn sa pagde-develop ng kanyang skills sa pag-arte at ang talagang na-eenjoy niya ay ang paggawa ng action projects.

“I really enjoy action-packed stories. You can tell so many stories with an action series,” sey niya.

Chika niya, “Noong pinasok ko naman ‘yung action sa teleserye at sa pelikula, alam ko naman kung gaano siya kahirap gawin. Before doing a project, I prepare mentally, physically, spiritually, and as much as I can.”

Nilinaw rin niya na ang paggawa ng action series ay isang joint effort kasama ang buong team at ito raw ang nagiging motibasyon niya upang lalo pang pagbutihin.

“Hindi ko iniisip ang sarili ko. Ang iniisip ko ay ‘yung buong team natin, ‘yung audience natin. ‘Yun ang reason why I keep going and why I strive for the best,” saad niya.

Sa darating na taong 2024, may gagawing bagong proyekto si Richard ngunit ito ay hindi pa niya pwedeng idetalye.

Samantala, naging usap-usapan sa social media kamakailan lang ang kasalukuyang estado ng relasyon ng aktor at ng kanyang misis na si Sarah Lahbati.

May mga netizens kasi ang nakapansin na tila hindi na sila nagpo-post ng mga pictures na magkasama.

Base naman sa Instagram story ni Sarah ay umalis siya kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Wala pa namang inilalabas na pahayag sina Richard at Sarah ukol sa chikang kumakalat.

Ang huling post ng dalawa na magkasama ay noong um-attend silang dalawa sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.

Related Chika:

Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin…biyaya ka sa lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending