Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito | Bandera

Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito

Therese Arceo |July 01,2022
facebook
share this

Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito

Therese Arceo - July 01, 2022 - 09:33 AM

Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito

PROUD na ibinandera ng celebrity mom na si Neri Miranda ang isa na namang bagong achievement sa kanyang buhay.

Base sa kanyang Instagram post kahapon, June 30, ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na kuha mula sa kanyang graduation ceremony.

“GRADUATE NA AKOOOOOO Natapos din!” umpisa ni Neri.

Labis naman ang pagpapasalamat niya sa asawang si Chito Miranda dahil sa walang sawang suporta nito sa kanya at sa pag-abot nito sa kanyang mga pangarap.

“Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa,” saad ni Neri.

Tila isang inspirasyon naman ang ceebrity mom para sa kanyang kapwa mommies at sa iba pang netizens na natigil sa pag-aaral na walang imposible at kahit ano pa mang edad ay maaari pa rin maka-graduate at matupad ang mga pangarap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Aniya, kung siya nga ay nakaya niya ay paniguradong kayang-kaya ring gawin ng iba.

“Kung wala pang budget, mag ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, meron matagal talagang dumating kagaya ng sa akin,” pagbabahagi ni Neri.

Dagdag pa niya, hindi rin naman daw naging madali ang kanyang journey sa pagkamit ng mga pangarap pero dahil palagi lang siyang positibo at naniniwalang darating ang para sa kanya ay nagawa niya.

“Hindi naging madali sa akin lahat ha? Pero dahil palagi akong positibo na darating ang para sa akin, naghintay lang ako at habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY,” sey ni Neri.

Wais tips naman niya sa netizens, “Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon to, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat… mag-share ng blessings.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Sa wakas, Ruffa ga-graduate na sa college; inspirasyon ng mga working mom

Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending