Neri natuwa sa 'He's Into Her'; may pasabog tungkol kina Chito at Donny | Bandera

Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

Therese Arceo |November 02,2021
facebook
share this

Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

Therese Arceo - November 02, 2021 - 05:18 PM

Neri natuwa sa 'He's Into Her'; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

ALIW na aliw sa panonood ng rom-com series na “He’s Into Her” ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi nito na kasalukuyan siyang nakasubaybay sa nasabing series.

“Watching He’s into Her sa Netflix…. nakakatuwa siya! Hahaha!” saad ni Neri.

“Mukhang matatapos ko ang isang season ngayong araw. Pati asawa ko, katabi ko na ngayon at napapanoof d na rin, hehe!

“Ang gagwapi nung Alpha 3. Lakas makahigh school!” dagdag pa nito.

Ang Alpha 3 na tinutukoy ni Neri ay ang grupo ng mga karakter na ginagampanan nina Donny Pangilinan, Joao Constancia, at Rhys Eugenio.

Mukha namang talagang kina-career ni Neri ang panonood dahil muli itong nag-post sa Instagram ng screenshot ng series kung saan makikita si Deib (Donny) na ka-text si Maxpein (Bella).

“E di kayo na ang may katext at kinikilig! Teka nga.. hanap ako ng katextmate.. hehe!” caption ni Neri.

“Hello po @chitomirandajr mahal kita pero ang gwapo ng pinsan mo! Haha!” dagdag pa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Marami tuloy sa mga netizens ang tila nabigla sa sinabi ni Neri at kung ang tinutukoy ba nitong pinsan ay si Donny dahil ito ang nasa screenshot na kanyang ipinost.

“Are they blood related po??” direktang tanong ng isang netizen.

“Yes po,” sagot naman ni Neri.

Mas na-curious tuloy ang netizens kung sa anong side at paano naging magkadugo ang asawang si Chito at Donny.

“Paano po sila naging magpinsan?” tanong naman ng isang netizen.

“Magpinsan po dad nila,” sagot muli ni Neri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, hindi naman maikakaila na nasa dugo na ng mag-pinsan ang pagiging mahusay. Bukod sa magaling sila sa kani-kanilang larangan, may isa pang bagay na parehas ang dalawa, ito ay ang magpakilig

Walang duda, talaga ngang magkamag-anak ang dalawa!

Related Chika:
Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!
Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending