B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin...biyaya ka sa lahat | Bandera

B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin…biyaya ka sa lahat

Ervin Santiago |November 02,2021
facebook
share this

B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin…biyaya ka sa lahat

Ervin Santiago - November 02, 2021 - 08:06 AM

Coco Martin at Julia Montes

“HUWAG na huwag kang mapapagod na magbigay, magmahal at maging inspirasyon pa sa maraming-maraming tao!” 

Ito ang bahagi ng espesyal na mensahe ng Kapamilya actress na si Julia Montes para sa kanyang rumored partner na si Coco Martin na nag-celebrate ng kanyang 40th birthday kahapon, Nov. 1.

Unang binati ni Julia ang tinaguriang Kapamilya Teleserye King sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment nitong Lunes para sa kaarawan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” lead star.

“Hi, Co! Happy, happy birthday! It’s your 40th birthday. Sana ay ma-enjoy mo. Lagi mo kaming iniisip, mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, pamilya mo, mga mahal mo sa buhay. 

“Ngayon this time, it’s your special day, sana sarili mo naman ang isipin mo at ma-enjoy mo ang espesyal na kaarawan mo,” pahayag ni Julia na napapanood na rin ngayon sa “Ang Probinsyano” bilang si Mara, ang sinasabing “huling pag-ibig” ni Cardo Dalisay (Coco).

Pagpapatuloy ng aktres, “Thank you for being an inspiration to everybody, especially sa akin. Aaminin ko talagang inspirasyon ka sa lahat ng aspeto. 

“Kung paano ka magmahal ng tao, ng katrabaho mo. Kung paano ka magmahal sa trabaho. Continue to be that good person. 

“Huwag na huwag kang mapapagod na magbigay, magmahal at maging inspirasyon pa sa maraming-maraming tao. Maraming-maraming salamat sa iyo Co and happy birthday!” mensahe pa ng aktres.

Bukod nga sa nasabing video greeting nag-post din si Julia sa kanyang Instagram account ng litrato ni Coco na may kalakip ding birthday message.

Aniya sa caption, “Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho. ‘Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo.

“May the joy that you have spread come back to you not only on this day but throughout the rest of your life. Mahal ka namin. Happy birthday!” dagdag pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Unang nagkasama sina Coco at Julia sa teleseryeng “Walang Hanggang” na umere sa ABS-CBN noong 2012. Huli silang napanood ng madlang pipol sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” taong 2015.

Binati rin si Coco ng kaibigan niyang aktor at direktor na si John Prats na matagal na rin niyang kasama sa “Ang Probinsyano”. 

“Maligayang kaarawan sa matalik ko na kaibigan. Actually, parang hindi nga kabigan dahil kapatid ang turingan namin. Salamat sa lahat. Alam mo na yun!!! Mahal na mahal kita. Dito lang ako lagi paps! Salamat sa tiwala,” ang post ni John Prats sa kanyang social media account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hindi rin nakalimot bumati kay Coco ang mga kaibigan at kasamahan niya sa showbiz kabilang na ang mga co-stars niya sa “Ang Probinsyano” na sina Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, John Estrada, Angel Aquino, Randy Santiago, John Arcilla, Michael de Mesa, Rosanna Roces, Raymart Santiago, Shaina Magdayao ay marami pang iba.

Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending