Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize | Bandera

Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize

Ervin Santiago - September 04, 2022 - 08:43 AM

Jillian Ward na-challenge sa pagganap bilang batang doktor sa

Jillian Ward

GRABE ang nararamdamang nerbiyos at pressure ng Kapuso youngstar na si Jillian Ward ngayong malapit nang mapanood ang bago niyang serye sa GMA 7, ang “Abot Kamay Na Pangarap.”

Ito kasi ang magsisilbing first solo project ni Jillian pagkatapos ng hit Kapuso series na “Prima Donnas” 1 and 2 kung saan nakasama niya sina Sofia Pablo at Althea Ablan.

Sa naganap na virtual mediacon para sa “Abot Kamay Na Pangarap” kamakailan, natanong ang dating child star kung anong feeling ngayong ilo-launch na uli siya ng Kapuso network as a solo artist.

“Siyempre po, sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako. Super challenging ang role ko and I want to thank GMA for giving me their trust and this kind of opportunity.

“Sa taping, I always ask them kung tama ba ang ginagawa ko. I’m so happy to work with the people around me na sobrang supportive,” ani Jillian na gaganap bilang Analyn sa nasabing teleserye, ang anak ni Lyneth played by Carmina Villaroel.

Ang gaganap naman niyang tatay sa kuwento ay Richard Yap bilang Dr. RJ Tanyag na hindi kinilala ang anak kay Lyneth na isa palang child genius at sa murang edad ay magiging doktor nga.

Paano nag-prepare si Jillian sa role niya bilang young doctor? “We had an immersion in an actual hospital. We watched the doctors there as they did brain surgery.

“I also watched medical shows like ‘The Good Doctor’. Mahirap ang role as I had to memorize a lot of medical terms. Kahit natutulog na ako, I try to remember them and when I wake up, naaalala ko pa rin sila,” sabi pa ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Kuwento pa ni Jillian, talaga raw dream niya noon ang maging doktor, “When I was about five years old, I remember when they asked me what I want to be when I grow, I’d say I want to be a doctor and an artista.

“But playing a doctor in ‘Abot Kamay Na Pangarap’, I realized na ang hirap pala maging doctor. E, show lang ito, di what more kung yung totoong nasa medical field ako.

“Sobrang daming mine-memorize na technical terms. We had a scene sa loob ng emergency room na nagbibigay ako ng instructions kung ano ang mga gamot na dapat ibibigay sa pasyente and dapat accurate lahat ng sasabihin ko, so I really have to memorize them all,” aniya pa.

Nang matanong naman kung ano ang masasabi niya tungkol sa nanay niya sa serye na si Carmina, “Ay, napakabait po niya. She really acted like a mother to me. I told her nga that I will miss her after the show. Marami siyang words of wisdow shared with me.”

Tinanong din namin siya kung anu-anong life lesson ang makukuha ng viewers sa “Abot Kamay na Pangarap”, “First of all, as an inspirational show, it tells people never to give up on their dreams. Make an effort to pursue them and make them come true.

“Tapos, it also says that whatever your profession might be, very important to have a family who loves you for you to achieve success in your life and career.

“Dito, it’s Tita Carmina as my mom who really pushed me para maabot ko ang pangarap kong maging doctor,” sabi pa ni Jillian.

Bukod kina Carmina at Richard, makakasama rin sa “Abot Kamay Na Pangarap” sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Wilma Doesnt, Dexter Doria, Ariel Villasanta, Pinky Amador, John Vic de Guzman, Kazel Kinouchi, Alexandra Mendez at Jeff Moses. Ito’y sa direksyon ni L.A. Madridejos.

https://bandera.inquirer.net/297927/jillian-ward-ibinandera-ang-bagong-sasakyan-tinawag-na-next-marian-rivera

https://bandera.inquirer.net/309158/jillian-ward-sa-pagbili-ng-dream-car-na-milyun-milyon-ang-halaga-i-think-deserve-ko-na-po-yun

https://bandera.inquirer.net/300675/beatrice-gomez-umaming-inatake-ng-nerbiyos-sa-qa-ng-2021-miss-u-but-i-believe-i-did-well

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307790/jillian-ward-ibinandera-ang-bagong-sports-car-binansagang-kylie-jenner-ng-pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending