Sarah Lahbati, Raymond Guttierez magkasama sa isang event

Sarah Lahbati, Raymond Guttierez magkasama sa isang event, inintriga ng netizens

Therese Arceo |November 25,2023
facebook
share this

Sarah Lahbati, Raymond Guttierez magkasama sa isang event, inintriga ng netizens

Therese Arceo - November 25, 2023 - 03:45 PM

Sarah Lahbati, Raymond Guttierez magkasama sa isang event, inintriga ng netizens

Sarah Lahbati, Kylie Versoza, Raymond Gutierrez

SPOTTED na magkasama sina Sarah Lahbati at ang kambal ng kanyang asawa na si Raymond Gutierrez.

Nagkita ang dalawa sa isang event ng luxury perfume sa isang mall sa Makati City.

Ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram story ang larawan nila ni Raymond kung saan makikitang napagigitnaan sila ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza.

Samantala, sa Instagram account naman ni Raymond ay walang bakas ng larawan nilang magkasama at sa halip ay mas marami pa silang picture together ni Kylie.

Hindi rin ibinandera ni Mond ang larawan kasama si Sarah kahit sa kanyang Instagram stories kahit naka-mention ito rito.

Kaya naman mas maraming na-curious kung ano na ba ang tunay na estado ng relasyon ng kanyang kambal at ng asawa nito dahil tila malayo si Raymond sa dating actress knowing na sister-in-law niya ito.

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi ayaw tantanan ng mga ‘Marites’ tungkol kay Richard Gutierrez: Wala kayong juice na makukuha from me

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan at laman ng mga balita kung totoo bang hiwalay na sina Sarah at Richard.

May mga netizens kasi ang nakapansin na hindi na nagpo-post ang dalawa ng mga larawan nila together at ang huli pang post ay kuha sa Bali, Indonesia noong ikinasal sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Kapansin-pansin rin na wala si Sarah sa bonding ng mag-aama sa naging Instagram post ni Richard habang nasa swimming pool sila at absent naman ang Kapamilya actor sa naging bakasyon ng asawa kasama sina Zion at Kai.

Bukod pa rito, missing rin sa ibang events ng mga Gutierrez gaya ng birthday ni Annabelle Rama at binyag ng anak ni Rocky Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag sina Sarah at Richard hinggil sa isyung hiwalayan.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending