Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson unti-unting nasira nang bumalik sa Pinas: 'Perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero...' | Bandera

Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson unti-unting nasira nang bumalik sa Pinas: ‘Perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero…’

Reggee Bonoan |August 07,2023
facebook
share this

Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson unti-unting nasira nang bumalik sa Pinas: ‘Perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero…’

Reggee Bonoan - August 07, 2023 - 09:38 AM

Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson unti-unting nasira nang bumalik sa Pinas: 'Perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero...'

Markus Paterson, Janella Salvador at Jude Paterson

INAMIN ng ex-boyfriend at ama ng anak ni Janella Salvador na si Marcus Paterson na kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay – hindi raw kasi niya ito ipinaglaban.

Iyan ang isa sa mga napag-usapan nina Marcus at Ogie Diaz sa latest vlog nito na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Tanong ni Ogie, “What went wrong?” Sagot ng aktor, “It simply wasn’t perfect, actually perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero nu’ng bumalik na kami dito sa Pilipinas parang COVID nu’ng time na ‘yun ay delikado pero kailangan na naming mag-work.

“A lot of realities set in na kailangan pala namin ng yaya and maraming problem, it came to a point na we’re not talking anymore, so, we decided to take a break and see what happens (next),” sabi ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin ni Markus na hate ni Janella na nagwo-walkout na ginagawa niya kapag may hindi sila napagkakasunduan.

“Yeah, ganu’n ako at ‘yan ang pinaka-hate ni Jea (palayaw ni Janella) saka duwag din ako ayaw kong humarap sa problema at ‘yan ang ayaw kong maulit sa next (girlfriend ko),” paliwanag ni Markus.

Pero nananatili silang magkaibigan ng aktres at maayos ang co-parenting agreement nila para sa anak nilang si Jude.

Sa tanong ni Ogie kung wala bang nami-miss si Marcus na may nag-aasikaso sa kanya pagdating niya ng bahay, “Nakaka-miss din na may naghihintay sa ’yo sa bahay lalo na when you wake up, tell her how was your day, tell her what’s your dream.

Baka Bet Mo: Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

“Kasi I’m in a relationship kind of guy but being single for this long kinda help me focus more myself kasi ang dami ko ring flaws, ang dami ko ring imperfection about myself na kailangan ko ring i-ayos,” pahayag ng aktor.

Sabi pa ni Ogie, may mga naghihiwalay na gusto pa ring i-win ang partner nila dahil mayroon silang realization na ‘mahal ko pa rin pala ‘to’, “So, sa inyong dalawa ay hindi namin nababalitaan na gusto pa rin ninyo at isa’t isa?”

Mahirap daw sabihin kung gusto pa nina Markus at Janella ang isa’t isa dahil hindi naman daw sila nagkikita, “Hindi naman kami nag-uusap tungkol sa amin puro tungkol naman kay Jude, araw-araw naman kaming magkausap but tungkol kay Jude.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Gusto ko ring maging masaya siya at mukhang masaya naman siya and busy siya sa work niya.

“Hindi pumapasok sa isip ko na ‘do you wanna get back to her? It’s not a priority right now at mas focus kami kay Jude,” paliwanag ng binatang ama.

Wala ring karelasyon ngayon ang aktor dahil focus siya sa anak nila ni Janella at labis ding nagpapasalamat si Marcus sa ex-girlfriend niya na tinuruan siyang magmahal unconditionally at appreciated niya iyon.

At higit sa lahat ay hindi madamot si Janella sa anak nila ni Markus dahil anytime ay nahihiram nito ang anak.

“Kapag si Janella ang kasama ni Jude  ay panay ang upload nito ng videos kung nasaan sila para ipaalam sa akin at same rin sa akin nagpo-post din ako para alam ni Jea,” saad ni  Markus.

At sa punto ng buhay ngayon ni Markus ay si Jude lang ang nakakapagpasaya sa kanya.

Ely Buendia hindi nga ba sisiputin ang Eheads reunion concert kung hindi maaayos ang isyu ni Marcus Adoro?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending