Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya? | Bandera

Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

Reggee Bonoan |March 14,2023
facebook
share this

Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

Reggee Bonoan - March 14, 2023 - 04:13 PM

Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

“ANO ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?” ito ang tanong ng singer/actress mommy ni Jayda Avanzado na si Jessa Zaragoza nang dumalo kasama ang asawang si Dingdong Avanzado sa special screening ng iWantTFC series na “Teen Clash” sa Trinoma Cinema 1 kagabi, Lunes.

Base sa trailer ng “Teen Clash” ay may eksenang naglapit ang mga mukha nina Jayda at ng leading man niyang si Aljon Mendoza.

Napanood namin sa Stars Photog Vidz YouTube channel na hiningan nito ng reaksyon ang magulang ni Jayda sa unang TV series ng nag-iisa nilang anak na isa ring mang-aawit at artista tulad nila.

“Sobra kaming proud, “saad ni Jessa sabay tawag sa anak.

“I’m so super overwhelmed right now with mom (and dad). Aalis na rin po sila kasi magto-tour po sila, my mom’s in the US kaya matagal kaming maghihiwalay and I’m glad they make it here,” say ni Jayda.

Hindi pala alam nina Jessa at Dingdong ang banyo at kissing scene nina Jayda at Aljon kaya nagulat sila.

“Hindi namin alam ‘yung iba. Iba kasi ‘yung kapag nakuwento lang niya tungkol sa script at saka ‘yung napapanood mo na, so, nakaka-speechless ‘yung mga ano (eksena),” natawang sabi ni Jessa.

Hangang-hanga naman ang daddy ng dalaga na si Dingdong sa ipinakitang acting ability ng anak, “I’m so super proud sa kanya anfg being her first (TV series) nandoon ‘yung excitement at saka ‘yung kaba, they pulled it off the entire cast, congrats to Direk Gino (Santos) ang ganda ng pagkakagawa. Alam ko pinaghirapan n’yo to.”

Baka Bet Mo: Aljon Mendoza ipinahahawak ang kamay kay Jayda Avanzado: ‘Napi-feel ko kasi ‘yung energy, nare-recharge ako’

Nasambit pa ng singer/actor dad ni Jayda na maganda ang pagkakagawa ng TV series at maraming napansing magagaling sa nasabing iWantTFC series at nag-enjoy siyang mapanood ito.

“Something for the fans to enjoy iyong journey because it’s a series, maganda ‘yung pacing, eh. Ako natuwa ako, bitin nga, eh (dalawang episodes lang ang ipinanood).

“Ang gagaling ng cast considering na they’re all new lahat ng characters may moment (um-oo naman si Jessa), natutuwa ako ro’n,” reaksyon ni Dingdong.

Sa tanong kung nakikinita ni Jessa noong kabataan niya ang anak, “parang…hindi ko yata kaya.”

Hindi naman nawawala ang mga ngiti ni Jayda sa mga narinig niyang reaksyon ng mga nakapanood ng first two episodes’ ng Teen Clash na mapapanood na sa March 17, Biyernes sa iWantTFC.

Aniya, “Sobrang nakakataba ng puso marinig ‘yung mga reactions nila especially noong sinu-shoot pa namin parang iniisip namin na parang kilig ‘tong scene na ‘to tapos nu’ng ma-witness yung reactions, grabe ang feeling (ko) nakaka-overwhelm, joy and nakakaiyak.”

Natanong naman ang magulang ni Jayda kung ano ang naging reaksyon nila nang ipakilala ng anak nila si Aljon bilang reel loveteam.

“Mabait na bata si Aljon, marespeto and I think I remembered nu’ng nagka-work sila before he (Aljon) goes out of his way para bumati sa mga senior artists, so nakikita ko ‘yun na he was raised very well and I wish him well malayo ang mararating ng batang ‘yun,” say ni Dingdong.

Reaksyon naman ni Jessa sa sinabi ni Aljon na si Jayda ang charger niya kapag magkahawal na ang mga kamay nila.

“E, ano pa baa ng masasabi ko?” natawang sagot ng singer/actress.

Pero para sa daddy ni Jayda, “ako ang magsasabi, parang hindi ko yata kaya.”

Kaya laging binabanggit ng mag-asawa ang ‘parang hindi ko yata kaya’ ay dahil ito ang sumikat na awitin noong kasikatan niya.

Open naman sina Dingdong at Jessa na ligawan na ang nag-iisa nilang anak.

“Wala namang problema, normal naman ‘yun sa buhay ng isang tao at dumadaan iyon na magkakagusto at magkakagusto sa kanila. Sa akin, I don’t have a problem with that kung ligawan siya, it’s Jaydas’ decision naman and I’m telling naman Jayda at alam naman niya kung anong priorities niya. Sabi ko sa kanya kilatisin niyang mabuti (ang manliligaw),”pahayag ng super supportive dad ng dalaga.

Nabanggit ding may on-screen chemistry sina ang dalawa ayon mismo sa daddy ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Klinaro rin nilang hindi sila stage parents at hindi na nila kailangang basahin pa ang script dahil may tiwala sila sa buong production at sa anak nila.

“Ito ‘yung trust namin sa kanya (Jayda) alam na niya ‘yun kung ano ‘yung ano ‘yung kailangan niyang gawin at hindi. Supportive kami sa kanya pero lahat ng desisyon sa kanya, siya ‘yun,” katwiran ni Jessa.

At nang mapanood daw nila ang banyo scene sabi kaagad ni Jessa, “nagising ang dugo namin.”

Pero si Dingdong, “maganda ang pagkakagawa, from a fathers’ perspective siyempre iba. Malaking bagay na nasa industriya kami (kaya naintindihan namin), siyempre part ng pelikula ‘yan and they handled themselves very well looks real and nakakatuwa.”

Nakatawang hirit ni Jessa, “kaya iniisip ko nga rin, ‘yung kiss ba do’n totoo ba ‘yun (tanong kina Jayda at Aljon). Teka muna, day aba ‘yun o ano?”

Samantala, sa mga susunod na episodes ay inamin nina Jayda at Aljon na mas marami pang kilig scenes na mapapanood ang lahat sa Teen Clash series nila na idinirek ni Gino M. Santos produced ng iWantTFC at Black Sheep Productions.

Kasama rin sa cast sina Marcus Paterson, Kobie Brown, Fana, Bianca de Vera, Ralph Malibunas, Zach Castaneda, Luke Alford, Gail Banawis at Andi Abaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali

Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending