Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: 'Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana...' | Bandera

Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Ervin Santiago |February 19,2023
facebook
share this

Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 08:39 AM

Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: 'Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana...'

Jayda Avanzado at Alton Mendoza

IN FAIRNESS, promising at mukhang may future ang bagong Kapamilya loveteam na sina Jayda Avanzado at Aljon Mendoza.

Magkatambal ang dalawa sa iWantTFC original series na “Teen Clash” at base sa reaksyon ng kanilang respective fans, mukhang botong-boto naman sila sa newest tandem na ibinebenta ng ABS-CBN.

Sa naganap na presscon ng “Teen Clash” last Thursday, February 16, natanong nga ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kung posible bang maging totohanan ang relasyon nila ni Aljon.

Unang question kay Jayda, may pag-asa ba ang young actor aktor sakaling manligaw ito sa kanya,  “Para po sa akin, habang may buhay may pag-asa. Ha-hahaha!”

Sey ng dalaga, ang mahalaga raw ngayon ay meron silang koneksyon ni Aljon bilang magka-loveteam at pareho silang dedicated sa kanilang trabaho na magandang pundasyon daw sa pagsisimula ng kanilang friendahip.

Aniya pa, “Honestly, at this point, I would say that wherever life takes us, I welcome that. Kung ano man ‘yung itadhana sa amin.”

Sabi naman ni Aljon, nagpapasalamat siya sa ABS-CBN dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho si Jayda at hindi naman daw nila minamadali ang mga bagay-bagay.

“Hindi kami nagmamadali pero sobrang happy namin sa kung anong ginagawa namin ni Jayda. ‘Yung hands kanina, siya ‘yung charger. Kapag naghahawakan kami, full charged na ako,” ang kinikilig na sey pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Inamin ni Aljon na madalas niyang hawakan ang kamay aktres ng habang nagte-taping sila ng “Teen Clash.”

Samantala, inisa-isa naman ni Jayda ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki at future boyfriend.

“I’m really looking for someone who respects me and what I do in my craft. And someone who will be ultimately supportive and proud of me in whatever I do, who will always be at my side.

“Having that trust and respect is really important, that’s what kind of I’m looking forward to a partner,” dagdag ng singer-actress.

Bukod kina Jayda at Aljon,  makakasama rin sa pinakabagong youth-oriented program ng Kapamilya Network sina Markus Paterson, Kobie Brown, Andi Abaya, Zach Castañeda, Bianca de Vera, Gail Banawis, Fan, Ralph Malibunas, at Luke Alford.

Mapapanood na sa iWant ang “Teen Clash” sa darating na March 17, sa direksyon ni Gino Santos at mula sa Black Sheep at iWantTFC.

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending