Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig | Bandera

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 06:52 AM

Aljon Mendoza at Karina Bautista

SWERTE ang pasok ng 2022 sa Kapamilya young actor na si Aljon Mendoza dahil sunud-sunod ang mga projects na ginagawa niya ngayon.

Sumailalim sa mandatory quarantine ang dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate bilang paghahanda sa lock-in taping para sa gagawin niyang Valentine episode ng “Maalaala Mo Kaya” kung saan makakasama niya ang ka-love team na si Karina Bautista.

Ito na ang ikatlong offer na natanggap niya sa “MMK” but this time siya na talaga ang bibida.

“Nu’ng pagkabigay sa amin ng script na-excite ako basahin kasi curious ako. So habang nababasa ko siya nadadala na rin ako, eh. Yung character ko dito ibang-iba siya sa Viral Scandal kasi du’n medyo barubal, ganu’n. 

“So dito sasabak ako sa English. Sa totoo naman nag-i-English naman ako pero kaya-kaya naman yan. So yung tambalan naman namin dito ni Karina medyo may pagka-mature. May build up habang patuloy yung story. 

View this post on Instagram

A post shared by Aljon Mendoza (@aljonmendozaa)


“Sa Viral Scandal kasi puro kulitan, pampasaya ng mga eksena kasi mabigat yung materyal so kami yung nagpapasaya du’n. Pero dito mas maraming emotions kaming maipapakita, ganu’n,” pahayag ni Aljon sa ginanap na “MMK” mediacon recently.

Sa nasabing love month episode na may titulong “Love Ko ‘To” na mapapanood na sa Feb. 26, gaganap sina Aljon at Karina bilang young couple na patutunayang totoong #love wins sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

Chika pa ni Aljon, “Meron akong nakikitang similarities namin. Siyempre meron ding bago na magagawa ko na hindi ko talaga ginagawa kadalasan. Inaaral ko siyempre hinihimay ko rin.

“Nagtatanong din ako kung anong puwedeng gawin, ganyan. Kasi malaking bagay para sa akin yung curiousity. Dapat curious ka sa character mo para mas marami kang malaman sa kanya. 

“So ngayon habang naka-quarantine kami at hindi pa kami nagsu-shoot, kinikilala ko pa yung character ko and na-e-excite pa ako kung ano pa ang madi-discover ko sa kanya, ganu’n,” sabi ng binata.

Dagdag pa niyang pahayag, “Siyempre I like to believe na actor na ako and at the same time kasi iba yung pressure kapag nakapag-arte ka na before. 

“Halimbawa third time ko na ‘to so every episode nag-se-step up ako, nagle-level up yung performance ko. Pero siyempre may kaba pa rin pero mas gusto ko may mapatunayan. 

“Mas gutom ako na may patunayan, para maka-perform ng well. Siyempre nakaka-pressure din pag yung story galing sa totoong buhay, sa totoong tao so kailangan talaga bigyan ng justice,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong ng aktor, “Gusto ko rin lumabas sa comfort zone ko. Pero for now kung anong ibibigay sa akin siyempre iga-grab ko yun. Wala pa ako sa lugar para mamili ng projects so kung anong ibibigay sa akin tatanggapin ko yun ng buong puso.”

Elisse excited na sa V-day kasama si McCoy: May sarili akong way to make him feel special, sana siya rin

Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending