Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz Bandera

Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Ervin Santiago |May 30,2021
share this

Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Ervin Santiago - May 30, 2021 - 12:47 PM

MAY tatlong advice sa bagong Kapamilya star na si Jayda Avanzado ang kanyang celebrity parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Humarap sa ilang members ng entertainment media at vloggers ang dalaga sa ginanap na virtual mediacon para ibandera na bahagi na siya ngayon nga Star Magic at Rise Artists Studio.

In fairness ha, promising ang anak nina Jessa at Dingdong dahil bukod bitbit niyang talent bilang singer, ramdam na ramdam ng mga dumalo sa presscon ang napaka-positive na vibes ni Jayda.

“Siyempre sobrang saya ko po talaga and nagpapasalamat talaga ako sa inyo para sa mainit na pagtanggap sa akin sa Star Magic, sa Rise and, of course, sa ABS-CBN in general. Masaya lang po talaga ako.

“And alam ko na parang new journey na ito with you guys and excited po ako roon,” ang pahayag ng bagong Kapamilya star.

Siyempre, super happy at super proud din ang mga magulang ni Jayda sa bagong milestone sa kanyang buhay at career.

“Tuwang-tuwag po talaga sila sa fact na na offer rin at in-approach rin ako to be part of Rise and Star Magic.

“So parang no brainer po sa amin na tanggapin ‘yung offer and parang new chapter sa buhay ko, especially ngayong mag-e-18 na ako,” ani Jayda.

Sa tanong kung anu-anong mga payo ang ibinigay sa kanya ng kanyang parents ngayong isa na siyang certified Kapamilya.

“May tatlong pieces of advice na hindi ko kinakalimutan. Number one, there’s no substitute for hard work. Siyempre importante talaga ‘yon na paghirapan mo ang success mo. Kapag binibigyan ka ng isang opportunity, paghirapan mo talaga.

“Pangalawa, ‘yung pagbibigay pugay sa mga nauna sa iyo. Sa lahat ng mga katrabaho mo kailangan marunong kang makisama. Finally, of course, be original, be authentic,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Isa sa mga iniidolo ni Jayda sa larangan ng musika ay ang kapwa Kapamilya actress-singer na si Yeng Constantino at looking forward siya na magkaroon sila ng collaboration.

“I look up to her so much siyempre singer-songwriter din siya and I would love to share the stage with her someday,” aniya pa. Nabanggit din niya ang mga pangalan ni Charlie Dizon sa mga nais niyang makatrabaho in the future.

Gusto rin daw niyang makasama muli sa kanyang future projects si Rhys Miguel, na naging bahagi ng music video niya para sa kantang “Paano Kung Naging Tayo?”

Naghahanda na rin si Jayda para sa kanyang first major concert, ang “Jayda In Concert” na magaganap na sa June 26 sa KTX.ph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending