Jessa inoperahan kaya ‘missing in action’, muntik mawalan ng boses?!
ANO ba ang nangyari sa batikang singer na si Jessa Zaragoza na tila “missing in action” siya lately?
Pagbubunyag ni Jessa, nagkasakit siya ng malala kung saan nagpalipat-lipat pa siya ng ospital.
At matapos ang ilang medical tests ay sumailalim siya sa operasyon matapos madiskubreng namamaga at may bukol ang kanyang vocal cord.
“I had noticed some hoarseness coming from my voice and upon examination, discovered I had a Vocal polyp and Esophageal varices on my vocal folds,” sey ni Jessa.
Dagdag niya, “The procedure was to remove said findings, and thankfully, it went smoothly.”
Tapos na raw siyang operahan at kasalukuyan na siyang nagpapagaling kung saan hindi siya pwedeng magsalita ng mahigit isang linggo.
“The stress really took a toll on my health. Napakanta na talaga ako ng kanta ko, ‘Parang di ko yata kaya!’ [smiling face emoji],” saad ng batikang singer.
Patuloy niya, “I’m still not back to a 100% but I’m feeling much better every single day. I Praise GOD for His grace and healing.”
Inihayag din ni Jessa na excited na siyang makapag-perform ulit bilang magkakaroon siya ng concert sa Amerika sa Setyembre kasama ang kanyang mister na si Dingdong Avanzado at anak nila na si Jayda.
“I can’t wait to use my instrument again and do what I do best, which is performing for you all; our kababayans,” wika niya sa IG.
Bandang huli, lubos na pinasalamatan ng batikang singer ang kanyang asawa dahil inalagaan siya nito habang siya’y may sakit.
“Thank you my husband [blowing kisses, red heart emojis], Dingdong, for taking care of me while I was in the hospital. At kasagsagan ng bagyo niyan,” aniya.
View this post on Instagram
Maaalalang may ipinatanggal din na bukol o cyst sa vocal cord ang girlfriend ni James Reid na si Issa Pressman.
Ibinandera niya ito sa social media upang ipaalam sa publiko na kung sakaling makita siyang tahimik ay mayroon siyang rason.
Naikwento rin ni Issa na bukod sa dalawang linggong hindi pwedeng magsalita ay kailangan din niyang mag-vocal rest at vocal rehab ng tatlong buwan.
Isang taon na ang nakalipas nang mangyari ito kay Issa at ngayon ay fully recovered na siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.