Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: 'Never po silang naging stage parents' | Bandera

Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

Ervin Santiago |May 28,2023
facebook
share this

Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

Ervin Santiago - May 28, 2023 - 07:50 AM

Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: 'Hindi po sila stage parents'

Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado at Jayda Avanzado

HINDI kailanman naging “stage parents” ang celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa kanilang anak na si Jayda Avanzado.

Iyan ang ipinagdiinan ng Kapamilya singer-actress nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa finale presscon ng youth-oriented iWantTFC series na “Teen Clash.”

Ayon kay Jayda, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mga magulang na all-out ang support sa kanyang showbiz career. Aniya, never daw siyang diniktahan o pinakialaman nina Jessa at Dingdong sa mga desisyon niya about her work.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I would say, especially in terms of my career po, I would say na I’m very thankful na napaka-supportive ng mga magulang ko po.

“They give me the freedom to make my own decisions when it comes to my career,” ang pahayag ni Jayda.

Pagpapatuloy pa ng dalaga na talaga namang pangbida at pang-leading lady material, “Assumption po ng maraming tao na baka stage parents po sila but sobrang malayo po sa assumption na ‘yun.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali

“Nandu’n lang po talaga sila para gabayan ako pero at the end of the day, they tell me that it’s your career and at the end of the day, ikaw naman talaga ‘yung haharap sa tao.

“And you’re doing this, you chose this, what you do for your career, and at the end of the day, they just really wanna support me,” paliwanag ng ka-loveteam ni Aljon Mendoza sa “Teen Clash.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ng aktres, “They’re really cool po, really understanding kasi dahil nga po kasama rin po sila sa industriyang to, sobrang mas maintindihin po sila sa mga showbiz things.”

Mapapanood na ang huling dalawang episode ng “Teen Clash” sa iWantTFC na ibinase sa Wattpad novel ni Ilyn Anne Danganan at mula sa Black Sheep Productions. Kasama rin dito si Markus Paterson bilang ka-love triangle ng tambalang Jayda-Aljonm

Ito’y mula sa direksyon ni Gino M. Santos, na siya ring nasa likod ng mga pelikulang “Love Me Tomorrow” at “Ex with Benefits.”

Para sa lahat ng mga tumutok at naadik sa “Teen Clash”, lahat ng episode nito ay available na sa iWantTFC.

Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending