Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali Bandera

Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali

Ervin Santiago |June 11,2021
share this

Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali

Ervin Santiago June 11,2021 - 09:29 AM

ISINASABUHAY ng bagong Kapamilya star na si Jayda Avanzado ang lahat ng payo ng kanyang celebrity parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Bitbit ng dalaga sa pagpasok niya sa masalimuot ngunit makulay na mundo ng showbiz  ang mga advice ng mga magulang, lalo na pagdating sa kanyang career at sa usaping lovelife.

Isa sa mga nagmarkang advice nina Dingdong at Jessa kay Jayda ay  huwag magmadali sa lahat ng bagay, kailangang balanse lamang ang lahat para swabe ang pagtakbo ng buhay at career.

Humarap muli si Jayda sa entertainment media kahapon para sa virtual mediacon ng kanyang kauna-unahang digital concert na magaganap na ngayong buwan. 

Isa sa mga naitanong sa dalaga na katatapos lang mag-celebrate ng kanyang 18th birthday, ay kung ready na siyang magka-boyfriend at kung payag na ba ang parents niya na pumasok siya sa isang seryosong relasyon. 

“In terms of love, marami nang nagtatanong kung pwede na mag-boyfriend. Sa akin, the right person will come at the right time. I will wait for God’s timing. Ako talaga sa ngayon, nakatutok sa karera ko,” sagot ni Jayda.

Isa pa sa mga palaging ipinaaalala ng kanyang parents lalo na ngayong nasa showbiz na siya, huwag daw magmadali sa pagtitiwala sa mga taong nakakasalamuha niya.

“Be careful of who you trust. Be discerning. Be realistic. You have to look at the world in that way. That goes in showbiz din po. 

“So many things happen in life and sometimes things don’t go your way. But at the end of the day, kailangan lumaban ka,” sey ng dalaga.

Naalala rin ni Jayda ang palaging bilin ng kanyang tatay na si Dingdong pagdating sa pagiging singer — huwag daw siyang magmadali sa pagkanta na madalas niyang gawin noong bata pa siya. 

“And when it comes to music, siyempre huwag kang magmamadali. Pagdating sa mga kanta, lalo na nung bata ako, lagi yan sinasabi ng dad ko kasi pag bata ka, there’s that spirit of youth na lagi kang nagmamadali.

“When it comes to songs, now that I am growing up, I savor notes more, I savor the songs more. At mas naiintindihan ko ‘yung kinakanta ko. ‘Yung ‘wag ka magmamadali, it works,” paliwanag pa ng anak nina Jessa at Dingdong na mukhang promising nga ang career sa showbiz dahil bukod sa talent ay napakaganda rin ng dalaga at mukhang mabait pang bata.

Pagpapatuloy pa niya, “Pati sa career ko po, ‘wag kang magmamadali, kasi darating din ‘yung time mo. You just have to keep working hard, ‘yan lagi sinasabi ng dad ko sa ‘kin. There’s no substitute for hard work.

“Ang dami-dami pong talented na tao dito sa industriyang ito, the things that separate the good people and amazing and exceptional people are how hard they work to achieve their dreams and goals,” lahad pa ng Kapamilya star.

Ang digital concert ni Jayda ay gaganapin sa June 26 kung saan magiging special guest ang kanyang nanay na si Jessa at ang baguhan ding si KD Estrada. Tickets for “Jayda in Concert” are now available on KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending