Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke Bandera

Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

Therese Arceo |November 24,2022
share this

Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

Therese Arceo - November 24, 2022 - 08:59 PM

Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

ISINUGOD sa ospital ang singer-actress na si Jessa Zaragosa matapos ang naranasan nitong pamimilipit ng kanyang tiyan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng mang-aawit ang kanyang selfie habang nakahiga ito sa hospital bed nitong Miyerkules, November 23.

“Maiba naman na post. Ito hindi glamorous. Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka ‘Parang di ko yata kaya’. Di ko na keri!” saad ni Jessa.

Kaya naman nagdesisyon siya na magpa-ospital upang malaman kung ano nga ba ang dahilan ng nararamdaman niyang sakit.

Lahad ni Jessa, “Turns out it was Acute gastoentiritis with Mild dehydration. Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit. As in.”

Nang tanungin nga raw siya ng mga doktor sa emergency room kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ay sinabi niyang napakasakit.

“ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that,” sey pa ni Jessa.

Mabuti na nga lang raw ay hindi ito ang case at marahil ay ang dahilan ng pagsakit ng kanyang tiyan.

“Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita,” sabi ni Jessa.

Nanghihinayang pa nga ang aktres dahil may mga schedule siyang hindi nasunod at mga trabaho na dapat tapusin.

“I have to get better first. Sana as soon as possible. Ang hirap magkasakit. Lesson learned; Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta,” hirit pa ni Jessa.

Marami naman sa mga kaibigan nito mula sa industriya ang nag-comment at nagdasal ng agarang paggaling niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)

“Get well soon, sista! Love you!” comment ni Geneva Cruz.

Sey naman ni Sheree, “Oh no.. get well soon sis Jessa!”

“Pagaling ka sis!!!” saad naman ni Kakai Bautista.

Related Chika:
Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog

Lovelife hugot nina Jessa at Dingdong para kay Jayda: Huwag kang magmadali

Basher ng anak ni Jessa kinasuhan: Di pwedeng joke-joke lang yun

Malaysian singer nag-ala Jessa Zaragoza at Nora Aunor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending