Rufa Mae sa alitan nila ni Jessa: ‘Basta nag-move on na’

Rufa Mae Quinto sa alitan nila ni Jessa Zaragoza: ‘Basta nag-move on na’

Pauline del Rosario - August 04, 2024 - 12:13 PM

Rufa Mae Quinto sa alitan nila ni Jessa Zaragoza: ‘Basta nag-move on na’

Rufa Mae Quinto, Jessa Zaragoza

MULING na-bring up ang naging isyu noon sa pagitan nina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza.

Ito ay matapos usisain ni Carmina Villaroel sa latest episode ng programang “Sarap, ‘Di Ba?”

Ang deretsahang tanong ng TV host kay Ruffa Mae, “Nagkaroon daw kayo ng alitan ni Jessa Zaragoza noon? At nagkaayusan na ba kayong dalawa?”

Sagot naman ng sexy actress, “Hindi kami nagkaayos at wala na rin kami dapat ayusin.”

“Nag-pass na, baka magalit nanaman,” biro pa niya sabay tawa.

Baka Bet Mo: Jessa Zaragoza inispluk kung bakit ayaw nang gumawa ng teleserye

Sinabi rin ni Ruffa na hindi na rin sila nagkita ni Jessa mula ‘nung pumutok ang kontrobersya at inaming nakapag-move on na siya sa nangyari.

“Hindi na kami nag-encounter. Basta move on na,” sambit niya.

Tanong ulit ni Carmina, “Walang chance na nagkita pa kayo?”

Wika niya, “Wala. Wala nang chance tsaka may mga anak na [kami].”

@gmanetwork #SarapDiBa #Highlights: It’s all in the past naman na raw! #rufamaequinto #carminavillarroel #tiktoktainmentph ♬ original sound – GMA Network

Kung matatandaan, taong 2008 nang maging usap-usapan ang tila “love triangle” nina Rufa Mae, Jessa, at Dingdong Avanzado.

Base sa mga dating interview, ibinunyag ni Rufa na mag-bestfriends sila ni Jessa, pero nagawa nitong agawin umano ang dati niyang boyfriend na si Dingdong.

Nagmakaawa pa nga raw noon ang sexy actress sa batikang singer na i-let go si Dingdong, pero hindi ito nangyari.

Nakarating kay Jessa ang mga isiniwalat ni Rufa Mae at agad naman niya itong pinabulaanan.

Sey niya, “For the longest time, I kept quiet. I tried to put up a ‘sweet’ front, nagpaka-martyr ako. But she has gone far.”

“Marami na siyang natatapakan, not only Dingdong and me but also Dingdong’s family. I’m speaking up now because I don’t want our daughter, when she grows up, to ask me if it’s true that her dad and I have ‘fooled’ somebody,” saad pa niya sa dating interview.

Nilinaw rin ni Jessa na never naging girlfriend ng kanyang mister si Rufa Mae, “They were just dating, pa-go-out, go-out, ganoon. They were never ‘exclusive’ to each other.”

Sinabi rin niya na hindi ang kanyang mister ang nanloko, kundi ang sexy actress.

Nabanggit din niya na never niya naging bestfriend si Rufa Mae, “We were just co-workers in some movies.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang maanghang na huling salita pa ni Jessa para kay Rufa Mae noon, “Sumusobra ka nang babae ka! Sinungaling ka!”

Taong 2001 nang ikinasal sina Jessa at Dingdong, habang si Rufa Mae ay may sarili na ring pamilya ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending