Jessa inispluk kung bakit ayaw nang gumawa ng teleserye

Jessa Zaragoza inispluk kung bakit ayaw nang gumawa ng teleserye

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 10:23 AM

Jessa Zaragoza inispluk kung bakit ayaw nang gumawa ng teleserye

MAY mga rason ang Phenomenal Diva  na si Jessa Zaragoza kung bakit ayaw na niyang gumawa ng teleserye sa panahong ito.

Ilang taon na ring hindi napapanood sa mga TV drama series at may mga nagtatanong kung may issue ba ang wifey ng OPM icon na si Dingdong Avanzado sa paggawa ng serye.

Sa presscon ng major concert ng kanyang husband, ang “The Original Prince of Pinoy Pop” na mapapanood na bukas, July 19, sa The Theatre at Solaire, isa ito sa naitanong sa singer-actress.

“Kaya hindi ako makapag-soap, isang reason yung commitment na kailangan hindi ka mag-a-absent, di ba? At saka siyempre may kontrata yun. Hindi ka puwedeng umalis ng six months.

“Oo (may mga offer) at saka sa soap, kaya hindi rin ako nakakatanggap, natatanggihan ko din kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Ha-hahaha!

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

“Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Parang gusto ko pa rin mas ma-enjoy yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa. Yung tipong ganu’n. Yung realistic ba na mas magagawa mo ng maganda pareho. Yung effective ka pa rin,” sey ni Jessa.

Sa tanong kung paano niya inaalagaan ang kanyang boses, “Siyempre mas maganda na wala ka talagang bisyo.

“Kasi kunyari kung nagyoyosi ka or talagang alcoholic ka or umiinom ka ng maraming alcohol, nakakaapekto pa rin talaga sa voice yun. Buti na lang hindi ako talaga nahilig du’n so okay naman,” aniya.

Kasama si Jessa at ang anak nilang si Jayda sa concert ni Dingdong at ibinuking nga ng singer at aktres kung paano katrabaho ang kanyang asawa.

“Lagi naman sa mga concerts namin, yung performances namin, especially naku, working with Dingdong, grabe ang attention to detail. Maiiyak ka! Ha-hahaha!

“Grabe yan. Kaya through the years na magkasama kaming mag-asawa, marami na kaming shows na napagsamahan, 23 years na kami mag-asawa. So ang tagal na naming nag-pe-perform together.

“Natutunan ko na rin yung ways niya. Attention to detail talaga at every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% yung ibigay niya.

“Kailangan lalabas yung mga tao na enjoy sila at gusto nila ipagkalat yung ganda ng show. At hindi lang yung para ipakita mo lang na ito yung talent namin, magaling kami.

“Lagi niyang hinahanapan na magkaroon ng puso yung show. So yun ang very excited kaming mapakita sa inyo sa July 19,” sey pa ni Jessa.

Kasabay nito, dinenay rin niya ang chika na magre-retire na sila ni Dingdong sa showbiz, “Hindi. Wala. Ang nakakatuwa lang, we feel so blessed na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano yung trabaho na gusto namin tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kumbaga, hindi na ito yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry.

“So parang ako ngayon ang mas na-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangang gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin yun. Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon mas yung family ko,” paliwanag ni Jessa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending