Sikreto nina Dingdong at Jessa: Hindi kami insecure sa isa't isa

Sikreto ng relasyong Dingdong-Jessa: Hindi kami insecure sa isa’t isa!

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 06:25 AM

Sikreto ng relasyong Dingdong-Jessa: Hindi kami insecure sa isa't isa!

Tessa Zaragoza at Dingdong Avanzado

HASHTAG relationship goals ang celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na mahigit dalawang dekada nang nagsasama bilang mag-asawa.

In fairness, isa sa mga married couple sa mundo ng showbiz na talagang masasabing LODI (idol) pagdating sa solid at tahimik na relasyon ay sina Jessa at Dingdong.

Wala kahit isang negatibong kuwento o isyu tayong nabalitaan tungkol sa kanila at magaganda rin ang komento na nababasa namin sa pagpapalaki nila sa nag-iisang anak na si Jayda Avanzado.

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Sa presscon ng 37th anniversary concert ni Dingdong titled “The Original Prince of Pinoy Pop” na magaganap sa The Theater At Solaire sa July 19, natanong namin ang mag-asawa about their married life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐚 𝐙𝐚𝐫𝐚𝐠𝐨𝐳𝐚 🤎 (@jessazaragoza)


Ano ang maibibigay na payo ng mag-asawa sa mga showbiz couple para magtagal din ang kanilang pagsasama, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang relationship.

“Dapat merong me time ‘yan, eh. So kami ni Jessa, we’re not always together. But at the end of the day, we are together and we tell our stories kung ano ‘yung nangyari sa araw.

“And most important thing is to respect each other. When we were starting, hindi pa namin lubos nauunawaan ‘yon or naiintindihan.

“Pero as time goes on, we kind of got it na. Especially with the Lord’s guidance, na dapat ang Panginoon nasa gitna lang,” ang sabi ni Dingdong.

Baka Bet Mo: Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa

Sey naman ng Phenomenal Diva, mula noon hanggang ngayon ay napakatindi ng paghanga niya kay Dingdong at habang tumatagal ang kanilang pagsasama.

“Kailangang malinaw ‘yung role ng bawat isa at saka bukas ‘yung mind n’yo sa reality. Sa amin kasi ni Dingdong walang competition.

“Napanatili namin ‘yung your success is my success. Walang insecure sa isa’t isa. Hindi lang ‘yung pagmamahal ‘yung importante, same level ‘yung respect talaga.

“And dahil pareho kaming artist, hanggang ngayon nandiyan pa rin ‘yung admiration ko sa kanya bilang artist na Dingdong Avanzado.

“Marami akong natutunan talaga sa kanya through the years na magkasama kami,” chika ni Jessa.

Nauna rito sinabi ni Jessa na ayaw na niyang magbuntis uli dahil feeling niya, hindi na keribels ng kanyang katawan ang manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐚 𝐙𝐚𝐫𝐚𝐠𝐨𝐳𝐚 🤎 (@jessazaragoza)


Inamin niyang nagka-trauma rin siya nang makunan sa second baby sana nila ni Dingdong pitong taon na ngayon ang nakararaan.

Inamin ng singer-actress na mula noong makaranas siya ng miscarriage, parang nagdalawang-isip na siyang magdalang-tao uli dahil ayaw na niyang maulit ang pinagdaanan noon.

Tinanong si Jessa sa presscon kung bakit hindi na nasundan si Jayda, “Unang-una, alam naming mahirap talaga ang maraming anak, lalo na nu’ng palipat-lipat kami (ng tirahan), sabi ko nga, ‘Saan ba talaga tayo nakatira?’ Ang hirap!

“So, kami ni Dingdong parang, ‘Next year na lang (mag-baby uli), next year na lang. Hanggang sa…45 na ang lola n’yo. So, parang hindi ko na rin kaya. Hindi na keribels,” pahayag ng OPM icon.

Sumingit naman si Dingdong, “Kaya pa yan. Ha-hahaha! Hindi, honestly kasi, a few years back, we suffered a miscarriage, so hindi natuloy.

“At that time, Jessa and I, we’re both…from psychological and emotional standpoint, yun nga, may time element. But you’ll never know, never say never,” sabi ng isa pang OPM icon sa kanyang wifey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Jessa, “Naku, baka sarado na yun, baka sarado na ang tindahan! Ha-hahaha! Pero ano naman po, kahit nag-iisa lang yan (anak na si Jayda), itinodo na namin lahat diyan. Push, push, push na talaga kay Jayda!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending