Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa | Bandera

Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa

Ervin Santiago |July 09,2023
facebook
share this

Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa

Ervin Santiago - July 09, 2023 - 07:45 AM

Dingdong Avanzado ibinuking kung ano ang pinagseselosan kay Jessa Zaragoza, nag-share ng tips para hindi mawala ang init ng pagsasama ng mag-asawa

Jesse Zaragoza at Dingdong Avanzado

NAGKALABASAN ng feelings ang celebrity couple na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa harap ng award-winning TV host na si Boy Abunda.

Ang mag-asawa ang naging guest sa Tuesday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” at isa nga sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa solid nilang pagsasama sa mahigit dalawang dekada.

Inamin ni Jessa na kering-keri niyang maging “confrontational” at magpaka-beast mode kapag may mga nakikipag-flirt o lumalandi kay Dingdong.

Pero hindi naman daw siya nakikipag-away o nanunugod. Iba raw ang konsepto niya ng pagiging “confrontational” kapag may umaali-aligid sa kanyang mister.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)


“Dumating ‘yan siguro earlier part ng relationship namin. Pero ako hindi ako nang-aaway.

“Pero ako kasi kapag nagagalit ako, lalong bumababa ang boses ko. Hindi ako sumisigaw. Pero ipaparinig ko sa ‘yo ang galit ko,” pahayag ng singer-actress.

Sumusumpa naman si Dingdong na never pa niyang binigyan ng dahilan si Jessa para magselos o magduda sa kanya.

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

“Ang pinagseselosan ko, minsan ang telepono niya. Kasi ‘yun ang times na… pero alam ko naman na, minsan work eh. Pero there are times na doon siya pre-occupied. Pero I understand,” rebelasyon ng OPM artist.

Kuwento naman ni Jessa, sa 22 years na pagsasama nila ni Dingdong bilang married couple, may mga nadidiskubre pa rin sila sa ugali at pagkatao ng isa’t isa.

“Kahit pala ganoon kayo katagal mag-asawa, marami pa rin kayong madi-discover sa isa’t isa.

“Marami ka pa ring matututunan sa kaniya na akala mo alam na alam mo pero hindi pa pala lahat,” chika ni Jessa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)


May ibinuking naman si Dingdong about Jessa na hindi pa alam ng publiko, “Jessa is so funny, she is so hilarious.

“When we were starting out she was not like that. Iba ang tingin ko sa kaniya but as the years progress,” lahad ni Dingdong.

“Noong napapanood ko siya, ‘yung natural ano lang niya. ‘Di ba si Jesssa sexy, the aura that she exudes. Pero sa bahay sobrang kalog niya tsaka ‘yung antics, expressions niya,” dagdag pa ni Dingdong.

Natatawang reaksyon naman ni Jessa, medyo “savage” ang klase ng kanyang comedy, “Sasabihin ko talaga ‘yung hindi kayang sabihin ng ibang tao.”

Sa isang bahagi ng panayam ni Tito Boy sa kanila, natanong sila kung anu-ano ang sikreto sa nag-iinit pa rin nilang pagsasama bilang mag-asawa.

“It’s very important na hindi mo lang siya mahal, dapat you like him. Ako, I really like him,” sey ni Jessa.

Para naman kay Dingdong, “Dapat, hindi predictable ‘yung araw niyo. Kapag nagiging monotonous na that’s where boredom kicks in, we need to change things up a bit.”

Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending