Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog Bandera

Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog

Therese Arceo |December 25,2021
share this

Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog

Therese Arceo - December 25, 2021 - 04:34 PM

Dingdong Avanzado isinugod sa ospital matapos kuyugin ng bubuyog

LABIS na nabahala ang singer-singer na si Jessa Zaragoza sa sinapit ng kanyang asawang si Dingdong Avanzado.

Base sa ibinahagi ni Jessa sa kanyang Instagram account, nakaramdam kasi ito ng hilo matapos itong kuyugin ng mga bubuyog nang maglaro ito ng golf.

Kuwento ng aktres, umabot raw sa kwarenta ang tusok na nakita niya sa katawan ni Dingdong,

“These past 24 hours have been one of the most memorable and jarring experiences we’ve encountered as a family.

“During Dingdong’s golf game yesterday, he was stung by a swarm of bees. He drove home feeling really sick and nauseated.

“As soon as he got home, that was the first time I’d seen my husband throw up really bad. saad ni Jessa.

Agad raw niyang sinabihan si Dingdong na magpunta sa ospital para matignan kung ano ang nangyari ngunit tumanggi ang singer-actor.

Mabuti na lamang daw at napilit si Dingdong ng anak nila na si Jayda nang pagsabihan ng dalaga ang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)

“I got so worried he’d go into anaphylactic shock, due to the venom coming from the multitude of bee stings.

“I counted over 40 stings all over his body, the majority on his back, where it looks like the bees invaded his shirt.

“I tried convincing him to go the hospital, Pero ayaw talaga. Buti nakinig sa Anak! @jayda. Minsan pala kailangan din pagalitan ng anak yung tatay!” pagpapatuloy ni Jessa.

Nang magpunta raw sil sa emergency room ay agad na binigyan ng gamot si Dingdong gamit ang IV.

Mayroon pa ring pamamaga sa mga kagat sa katawan ng singer-actor lalo na sa kanyang mata pero maayos naman na raw ang singer.

“Dingdong is doing fine right now. Mejo groggy pa din from the anti tetanus vaccine. We hope and pray that he will recover faster. I think that the most important thing right now for our family is the fact that we can celebrate this Christmas being together,” sey ni Jessa.

“Thank you to all our dear friends that sent us well wishes for Dingdong. Merry Christmas!!! May GODBLESS you all!”

Related Chika:
Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending