PBBM ‘papalagan’ si VP Sara: ‘Hindi dapat pinapalampas!’

PBBM ‘papalagan’ ang banta ni VP Sara: ‘Hindi dapat pinapalampas!’

Pauline del Rosario - November 25, 2024 - 03:22 PM

PBBM ‘papalagan’ ang banta ni VP Sara: ‘Hindi dapat pinapalampas!’

President Bongbong Marcos, Vice President Sara Duterte

NAGSALITA na si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa banta ng asasinasyon ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon sa presidente, “alarming” o nakakabahala ang mga sinabi ni Duterte at dahil diyan ay handa raw siyang lumaban.

“Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwang mamamayan? ‘Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas,” sey ni Marcos sa isang video post.

Sambit pa niya, “‘Yan ay aking papalagan.”

Ayon kay PBBM, hindi sana umabot sa ganitong sitwasyon kung hinarap ni Duterte ang House of Representatives na kasalukuyang nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Baka Bet Mo: PSC ‘pinaigting’ ang seguridad dahil sa bantang ‘kill order’ ni VP Sara

“Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang. Tapos na sana ang usapang ito kung tutuparin lamang ang sinumpaang panata na bilang lingkod bayan ay magsabi ng totoo, at hindi hahadlangan,” wika niya.

Patuloy niya, “Imbes na diretsahang sagot, nililihis pa sa kwentong chicheria.”

Binigyang-diin din ni Mr. Bongbong ang kahalagahan ng batas sa isang demokratikong bansa.

“Kailangan manaig ang batas sa anumang sitwasyon, sinuman ang tamaan. Kaya hindi ko hahayaang magtagumpay ang hangarin ng iba na hatakin ang buong bansa sa burak ng pulitika,” saad niya.

Magugunita noong Sabado, November 23, nang magkaroon ng online press conference si Duterte at sinabi na nagbigay na siya ng utos upang ipapatay ang pangulo, si First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez sakaling siya mismo ay mapatay.

“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ No joke, no joke. Nagbilin na ako,” ani Duterte.

Dahil sa pahayag ng vice president, tinag ito ng Malacañang bilang isang “active threat.”

Kalaunan, binawi ni VP Sara ang kanyang pahayag at iginiit na ang banta ay isang babala lamang sakaling siya ay mapatay. 

Inihalintulad pa niya ito sa kanyang naunang banta na huhukayin ang labi ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. upang itapon sa West Philippine Sea kung magpapatuloy ang mga atake sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi ito ang unang beses na nagpahiwatig si Duterte ng “death threat” umano kay Marcos. 

Nauna na niyang sinabi na minsan niyang inisip na putulin ang ulo ng pangulo dahil sa naging kilos nito sa isang graduation rite.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending