True ba, Neri inaresto dahil sa kasong may konek sa negosyo?

True ba, Neri Miranda inaresto dahil sa kasong may konek sa negosyo?

Ervin Santiago - November 25, 2024 - 09:43 AM

True ba, Neri Miranda inaresto dahil sa kasong may konek sa negosyo?

TRULILI kaya ang chika na inaresto umano ang aktres at negosyanteng si Neri Miranda nitong nagdaang Sabado, November 23?

Dinakip daw ng mga otoridad mula sa Pasay City ang asawa ni Chito Miranda dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons” ng Security of Exchange Commission o SEC.

Nakasaad sa section 28 ng RA 8799 na walang sinuman ang maaaring bumili, magbenta, o kumilos bilang isang salesman o kasamang tao ng isang broker o dealer sa Pilipinas nang hindi nakarehistro sa SEC.

Ito ang ibinalita ng talent manager at online -TV host na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” kahapon, November 24.

Sabi ni Ogie, nakarating sa kanya ang naturang balita sa pamamagitan ng isang source na isa sa mga unang nakaalam ng nangyari kay Neri.

Baka Bet Mo: Neri Miranda certified ‘wais’, advance rin mag-isip: Nakakuha na rin ako ng 2 insurance ni Cash

At ang mas nakakaloka pa dito ayon kay Mama Ogs, itinuturing daw ng mga otoridad si Neri bilang isa sa “top most wanted person”.

“May nagpasa lang ng impormasyon na ito sa amin na last November 23 ay inaresto ng Pasay City Police sa kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na the securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission ang aktres at tinaguriang wais na misis na si Neri Naig Miranda.

“Di pa malinaw kung anong eksakto ang dahilan at kung sino ang mga nagrereklamo.

“Kung totoo man ito ay mas magandang mapakinggan din ang panig ni Neri. Sana ay mapakinggan natin ang bersyon ni Neri at ng mga nagreklamo sa kanya,” ang pahayag ni Ogie.

Wala namang binanggit ang talent manager kung sino ang mga taong nasa likod ng pagkakaaresto kay Neri at kung ano ang nagawa niyang paglabag sa securities and regulations code ng SEC.

Ang sabi lang ni Ogie, sabi raw ng source niya, baka raw may nakaaway si Neri sa negosyo kaya humatong sa korte ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Tsinek namin ang official Instagram at Facebook page ni Neri, ang last post pa niya ay noon pang Biyernes, November 22 kung saan binati niyang “happy birthday” ang anak nila ni Chito na si Miggy.

Nang tingnan naman namin ang socmed page ni Chito ay wala rin siyang post tungkol sa kumakalat na isyu tungkol sa kanyang misis.

Pero may mga IG followers ang bokalista ng Parokya ni Edgar na nagtanong sa kanya kung totoo ang lumabas na balita tungkol sa kanyang wifey. Ngunit walang sinagot sa kanila ng singer-songwriter.

Wait and see na lang tayo sa magiging official statement ni Neri hinggil sa balitang ito. Posible kasing isa na naman itong fake news mula sa mga taong walang magawa sa buhay kaya huwag muna tayong mag-judge at magbigay ng negatibong komento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpadala kami ng mensahe kay Neri sa pamamagitan ng Messenger para sa kanyang paliwanag hinggil sa naturang  isyu at ito pa lamang ang isinagot niya sa amin, “Hi, thanks for contacting us. We’ve received your message and appreciate you reaching out.”

Bukas pa rin ang BANDERA sa pagpapaliwang ni Neri tungkol sa ibinalita ni Mama Ogs pati na rin ng asawa niyang si Chito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending