Markus Paterson 'almost a year' nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude Bandera

Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Therese Arceo |September 10,2022
share this

Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Therese Arceo - September 10, 2022 - 01:04 PM

Markus Paterson 'almost a year' nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude
NAGSALITA na ang aktor na si Markus Paterson patungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Sa isa sa kanyang Instagram stories kahapon, Setyembre 9, sinabi nitong halos isang taon na nang magkahiwalay sila ng dating kasintahan at ina ng kanyang anak.

“Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She’s happy in life, and I’m happy in life and our only priority is Jude,” saad ni Markus.

Matatandaang ilang buwan pa lamang nang magsimula ang 2022 ay may mga kumakalat na chika patungkol sa diumano’y paghihiwalay ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

Nilinaw rin ni Markus ang nag-viral niyang pahayag sa isang episode ng podcast na “Boys After Dark” kung saan sinabi niya na ang isa sa mga natutunan niya ay “never to f*cking date someone in the industry.”

Aniya, hindi naman daw niya pinapatungkulan ang dating karelasyon ngunit naiintindihan niya kung ito ang naging interpretasyon ng netizens.

“What I said in the podcast wasn’t actually about her but I understand that it was open to misinterpretation because of the way I phrased it [and] since we never actually announced our break up,” paglilinaw ni Markus.

Matapos nga ang kanyang naging pahayag ay muling na namang nabuhay ang interview ni Janella sa talent manager na si Ogie Diaz.

Napag-usapan rin sa nasabing interview ang mga naging trauma sa relasyon ng aktres at kung paano sila nag-a-adjust ni Markus sa alcohol intake nito.

At dahil nga muli itong naungkat ng madlang pipol ang interview ay may mga ilang naghihinuha na baka kaya naghiwalay ang dalawa ay dahil sinaktan ng aktor si Janella.

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Markus sa pamamagitan ng isang tweet.

“saw some tweets circulating.
FACT: I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast,” sey ni Markus.

Related Chika:
Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending