Markus Paterson 'bugbog' sa netizens matapos mag-dialogue ng, 'Never to fu*king date someone in the industry!' Bandera

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Reggee Bonoan |September 05,2022
share this

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Reggee Bonoan - September 05, 2022 - 10:52 PM

Markus Paterson at Janella Salvador

CURIOUS kami kung ano ang naunang i-tape, ang tsikahan episode ng “Boys After Dark (B.A.D.)” online show o ang panayam ni Janella Salvador sa YouTube channel na “Ate B” ni Bernadette Sembrano?

Sa vlog ni Bernadette inamin ni Janella na isa na siyang “single mom” na ang ibig sabihin, hiwalay na talaga sila ni Markus, ang ama ng kanyang anak na si Jude.

Sa random tsikahan naman ni Markus kasama ang mga kapwa Rise Artists na sina Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez at Aljon Mendoza may mga rebelasyon ang aktor sa episode nilang “Truth and Honesty” sa pakikitungo sa kanilang mga karelasyon.

Nagulat kami sa sagot niya na ang natutunan niya sa pakikipag-relasyon ay, “Never to fuc*ing date someone in the industry!”

View this post on Instagram

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Mariin ang pagkakabigkas ng aktor na may kahalo pang mura bagay na ikinagulat din nina Anthony, Jae, Gello at Aljon kaya binigyan siya ng group hug.

Sabi ni Anthony, “Okay lang ‘yan, mahal ka namin, sino ba ‘yan?” habang nagpo-poker face naman si Markus sa camera.

Kanya-kanyang labasan ng opinyon ang bawa’t isa tulad ng paano matatawag na white lies ang isang bagay para hindi masaktan ang karelasyon; kailangan bang sabihin ng diretso na hindi pabor ang magulang sa girlfriends nila; at dapat bang sumama kapag sinabing boy’s night out.

Very vocal si Markus sa kanyang saloobin na kapag sinabing lakad ng barkada ay hindi dapat isinasama ang kanilang mga dyowa dahil may mga usapang lalaki na sila-sila lang ang nakakaintindi at walwalan hanggang gusto nila.

Tama rin naman ang punto ni Markus dahil kapag sinabing girl’s night out ay hindi rin naman siya sumasama bilang respeto.

Hanggang sa nabanggit din ng aktor na kapag naghiwalay ang magkarelasyon o sakaling may nag-cheat sana raw ay bigyan ng magandang exit ang isa.

Aniya, “Kapag ikaw ang nag-cheat o nang-iwan bigyan mo naman ng grace period ‘yung ex mo para (maka-move on).”

At dapat may three-month rule hindi ‘yung ilang araw o linggo lang ay may kapalit na kaagad.

Hindi rin niya type na habang nasa isang relasyon siya ay nakikipag-one-night stand ang girl.

Kaswal na tanong ni Aljon kay Markus, “So, sa susunod na relationship mo (anong gagawin)?”

Nagulat si Markus sa tanong ng co-host dahil baka hindi pa siya handang amining wala na sila ni Janella.

Mataas ang tonong tanong ni Markus kay Aljon, “What do you mean in my next relationship? Susunod na relationship? Ha-hahaha! Tang-ena kung may lessons ako sa mga relationship ko, is never to fuc*ing date someone in the industry! ‘Wag n’yo i-cut ‘yan seryoso ako diyan (sabay tingin sa camera)!”

Hindi nagustuhan ng netizens ang pahayag ng ito ng aktor kaya kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa kanya.

Narito ang mga nabasa naming komento mula sa netizens.

Mula kay @mintyabuko, “Sobrang cringe talaga itong Markus Paterson even before, I really didn’t like his vibe and even his attitude. Glad Janella Salvador is free now (emoji heard). YOU GO, GIRL!”

“I wouldn’t even know the f*ck who you are if di ka na iisue about papalit-palit ng nililigawan dati and even went big bcs. THE JANELLA SALVADOR dated you, piece of trash, guys like you don’t deserve to be respected, stay bitter, a$$hole.”

Say din ni Sandara Ting with account name @nagpupunyagi, “He’s barely in the industry, people only got to know your existence when Janella mistakenly dated you.”

Sabi rin ni Cath @selenamarienot, “Nakakahiya naman sa lasenggerong Markus Patterson na ‘to, ha, haha. You’re a loser and a forever flop (laughing faces emoji).”

Ayon pa sa isang netizen, “Thank you for letting us see Paterson’s true colors! It made me remember why I was so disappointed when Jea and him were together.”

Hirit pa ng isa na binura ang name, “Buti na lang break na sila, he’s holding Janella down with his off attitude tapos di naman relevant.”

Sana mabigyan ng pagkakataong maipaliwanag mabuti ni Markus ang mga sinabi niya sa kanilang online show dahil hindi maganda ito lalo’t darating ang araw na baka mabasa ito ng anak nila ni Janella na si Baby Jude.

Bukas ang BANDERA sa kampo ng aktor.

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Markus may drinking problem, hiwalay na nga ba kay Janella kahit nakatira sa iisang bahay?

Sagot ni Markus kung hiwalay na sila ni Janella: I’m gonna let her do the talking, but we’re both very good

Markus Paterson hindi keri ang LDR: Wala naman akong trauma, I just don’t like it for my personal preference

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending