Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay Bandera

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Reggee Bonoan |September 08,2022
share this

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Reggee Bonoan - September 08, 2022 - 04:25 PM

Markus Paterson at Janella Salvador

IKINUWENTO ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na in-upload kaninang tanghali na nauwi nga raw sa hiwalayan ang madalas na pag-aaway nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Ayon kay Ogie, may mga pagkakataon pa raw na naririnig ng mga kapitbahay nila ang kanilang pagtatalo at isa na roon ang kanyang source.

Matatandaang sa solong panayam ni Janella kay Ogie noong Pebrero, 2022 ay nabanggit nito na may trauma siya sa mga taong umiinom at inamin niyang hangga’t kaya ay kino-control naman ito ni Markus dahil nga alam niya ang pinagdaanan ng ina ng anak na si Baby Jude.

Pero sabi nga ni Janella, bata pa si Markus kaya minsan ay hindi maiwasang hindi ito lumabas kasama ang friends para makipag-bonding.

At ito rin ang kuwento ni Ogie ngayon, “Nagdayalog si Janella Salvador na single mom siya?”

“Yes single mom, parang inaming wala na sila,” sabi naman ni Mama Loi.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Kung matatandaan natin nag-live in ‘yan kasi may bahay si Janella sa Kyusi (Quezon City) tapos silang dalawa magkasama. So, sa aking impormasyon na madalas daw mag-away ‘yung dalawa kasi nga ang pinag-aawayan nila ‘yung pag-inom-inom ni Markus.


“Tapos siyempre si Janella laging nasa bahay habang si Markus daw ay gala nang gala, mamam daw nang mamam, as in inom ng inom. So talagang habit na niya ang uminom nang uminom,” sabi ng talent manager.

Tanong naman ni Mama Loi, “So, kay Janella laging naiiwan si Baby Jude paano kung may taping si Janella?”

“Di ba parang lumabas ‘yun na kasama ni Janella si Jude sa taping kasi nga siguro dumedede pa kay Janella ‘yung bata. Saka nanay ‘yan, karugtong ng pusod niya kaya hindi niya maiiwan kahit nandoon pa ‘yung tatay.

“E, the mere fact na may ganu’n pa ‘yung tatay (Markus) na may ganu’n isyu sa pag-inom, e, baka lang din hindi mabantayan.

“Kasi nga may isyu pa na hindi nagpapakatatay itong si Markus imbes na magbantay o maghalinhinan sila sa bata, e, lumalabas, gumigimik. Buhay binata samantalang meron nang anak.

“Siyempre pag magdyowa kayo at bago palang kayong nagli-live in ay doon ninyo nakikilala ang isa’t isa pag nagsasama na kayo doon nagkakasubukan at doon nagko-compare notes siyempre magsasabihan sila na ‘ikaw naman ngayon kasi aalis ako.’

“Tapos mababalitaan ni Janella na nasa ibang lugar (si Markus),” paglalarawan ni Ogie sa aktor.

Sabi naman ni Mama Loi na kaya pala ‘yung sa podcast na “Boys After Dark” ay, “Parang nagmomom rin sila, umiinom.”

At napansing si Markus ang bumabangka sa podcast dahil nakainom umano kaya nasasabi na nito ang saloobin niya.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Markus tungkol sa isyu nila ni Janella. Hintayin natin ang magiging paliwanag ng aktor hinggil dito — kung aamin ba siya o magdedenay.

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right!

Totoo ba ang chika, Janella Salvador, Markus Paterson ilang buwan na raw hiwalay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending