Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right! | Bandera

Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right!

Reggee Bonoan |September 06,2022
facebook
share this

Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right!

Reggee Bonoan - September 06, 2022 - 03:10 PM

Markus Paterson at Janella Salvador

MUKHANG lahat ng kilos at gagawin ngayon ng aktor na si Markus Paterson ay binabantayan ng netizens pagkatapos ng kontrobersyal na dialogue niyang, “Never to fu*king date someone in the industry!”

Ito ang ipinagdiinan niyang payo sa mga kabataang aktor, huwag na huwag daw talagang makipagrelasyon sa taga-showbiz.

Nabanggit ito ni Markus pagkatapos umamin ni Janella Salvador na isa na siyang “single mom”. Si Markus ang tatay ng anak nitong si Baby Jude.

Anyway, may source kaming nakabasa sa mga sinabing ito ni Markus at napanood din niya ang video ng “Boys After Dark” episode kung paano ito sinabi ng aktor.

“Pasong-paso na kasi siya sa mga nakarelasyon niyang taga-showbiz kasi hindi nagtatagal because of his attitude. Happy go lucky kasi siya,” say ng aming source.

At may pahabol pa, “BTW, may hindi alam ang lahat, hindi lang sa same age ang mga nali-link kay Markus, huh! Meron ding older sa kanya.”

Naloka kami at kahit anong pilit naming tanong kung sino ang sinasabing older women na-link sa aktor ay isang malakas na tawa ang narinig namin mula sa aming kausap at abangan na lang daw pagkatapos ng ilang buwan Ay may sequel ba ito?

Samantala, kaya namin nabanggit na binabantayan ang lahat ng kilos at galaw ni Markus ngayon ay may larawang bumisita siya sa puntod ng yumaong aktres na si Cherie Gil at nag-alay ng bulaklak na ipinost niya sa kanyang Instagram nitong Lunes.

Tanda namin ay sa nabiling farm sa Bukidnon ni Ms. Cherie niya gustong ilagak ang kanyang labi at sakto, sa pagdalaw ni Markus ay may nakalagay na Tuminugan Farm.

View this post on Instagram

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Kinuwestiyon ng netizens kung close si Markus sa premyadong aktres dahil wala namang proyektong nagkasama sila.

Narito ang mga nabasa naming komento mula sa isang online website.

“Feeling close.”

“Are they related? Sinabi ni Cherie dati. Kung di daw nya relative or ka-close hindi sya nagppatawag ng tita.”

May nagtanggol naman sa aktor, “Yung nephew ni Cherrie Gil na non-showbiz ay best friend ni Markus since elementary days. Si Markus at nephew n’ya till now…’Yung son ni Cherie Gil ay kaibigan din ni Markus. Kapag may family gatherings ang Eigenmann, andun minsan si Markus. Close si Markus sa mga Eigenmann.”

Sundot din ng isa pang netizen, “Napa search tuloy ako. Nabasa ko friend siya ni Raphael, ‘yung anak ni Cherie Gil.”

Sabi pa ng isang netizen, “Kung kamag-anak ni Cherie yan, magaling na siguro yan umarte. Baka feeling close lang.”

At dahil naging nega ang pag-post ni Markus na inisip ng iba ay ginagamit niya ang namayapang aktres para sa imahe niya ay tinanggal na ng aktor ang kanyang post.

Ito rin ang napansin ng isa pang netizen, “Na take down na ‘yung post. Siguro nag feeling close lang.”

May isa pang hanash ang sumusubaybay sa aktor, “Haist Markus sana respect din the mother of your son at sa ex mo b4 na taga-industry na ginagalawan mo.”

Sa kaliwa’t kanang pangba-bash ngayon kay Markus mula nang ipalabas sa YouTube channel ang “Boys After Dark” episode ay nananatiling tikom ang bibig nito.

Pero habang sinusulat namin ito, may nabasa kaming tweet ni Markus. Aniya, “Saw some tweets circulating. FACT: I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas pa rin ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Markus hinggil sa mga kinasasangkutan niyang kontrobersya o sa management company nito.

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Markus Paterson hindi keri ang LDR: Wala naman akong trauma, I just don’t like it for my personal preference

JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending