Medico legal ni Sandro Muhlach viral na sa social media
Trigger Warning: Mention of Rape and Sexual Assault
KUMAKALAT ngayon sa social media ang diumano’y medico legal report ni Sandro Muhlach na ginamit nilang ebidensya kaugnay sa kasong rape by sexual assault na isinampa niya kina Richard Dode at Jojo Nones.
Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan ang isyung sekswal na pang-aabuso umano sa kanya ng dalawang independent contractors ng Kapuso network matapos ang GMA Gala.
Ang naturang medico legal report ni Sandro ay kinumpirma naman ng abogado ng dalawang contractors na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Ayon kay Atty. Garduque, itong kumakalat na medico legal report online ay ang medico legal report ng Sparkle artist na isa sa mga ebidensya nito na nakalakip sa complaint-affidavit na inihain nito sa Department of Justice (DOJ).
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach spotted sa Cebu sa gitna ng sexual abuse case; nagsimba
View this post on Instagram
“The medico legal report shows no injury in the anus and wala rin namang allegation that a penis, object or instrument was inserted to Sandro’s mouth,” saad ng abogado.
Bukod sa isyu ng medico legal ay naglabas rin ito ng opinyon hinggil sa pagsasampa ng reklamo ni Sandro sa mga netizens at online sites na nambully sa kanya sa social media.
Giit niya, mas nakaranas pa nga raw ng pambabatikos ang kanyang dalawang kliyente dahil sa pangyayari.
“’Yan ka?? talaga ang risk when you publicize your story/allegations and evidence, naturally these will be subjected to public scrutiny. Hindi natin masisisi ang mga netizens to process and verify if your evidence supports your allegations. At siyempre may mga hindi aayon sa ‘yo,” lahad ni Atty. Maggie.
Pagpapatuloy pa niya, “Kaya from the start we are firm that we will just give our version of the story and will just present our evidence in the proper forum.”
Ngayong September 12 ay nakatakdang magsumite ng counter affidavit ang kampo nina Nones at Dode sa DOJ kung san doon raw nila sasagutin ang lahat at ipiprisinta ang mga counter-evidences sa reklamong inihain sa kanila ni Sandro.
Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na sagot ang kampo ng Sparkle artist hinggil sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.