Sandro Muhlach spotted sa Cebu sa gitna ng sexual abuse case

Sandro Muhlach spotted sa Cebu sa gitna ng sexual abuse case; nagsimba

Ervin Santiago - September 03, 2024 - 06:53 PM

Sandro Muhlach nagsimba sa Cebu sa gitna ng sexual abuse case

Sandro Muhlach

Trigger warning: sexual harassment, sexual abuse

SA gitna ng kinasasangkutang kontrobersya matapos kasuhan ang dalawang independent contractor ng GMA, spotted sa Cebu ang Sparkle actor na si Sandro Muhlach.

Nakitang nag-iikot sa ilang lugar sa Cebu ang baguhang young actor base na rin sa mga ipinost niyang litrato sa kanyang Instagram account.

Sa unang litratong ibinahagi niya sa IG Story ay makikita ang altar ng pamosong basilica ng Cebu na isa sa mga dinarayo roon ng mga local at foreign tourist.

Baka Bet Mo: Vhong pinanindigan na walang kasalanan: Parang ako pa yung nababaligtad…alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Ang caption na lang na isinulat niya rito ay, “Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.”

Sa second photo naman na ipinost ng panganay ni Niño Muhlach sa IG ay makikita ang pagbisita niya sa Magellan’s Cross, isa pa sa tourist attraction sa Cebu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasama ni Sandro sa naturang litrato ang mga candle vendor na nag-aalok rin ng libreng padasal sa mga bumibili ng kandila sa kanila.

Sabi ni Sandro sa caption, “Thank you for the prayers po.”

Baka Bet Mo: Rendon, Rosmar kakasuhan ng mga opisyal ng Palawan dahil sa kabastusan?

Matatandaang nagsampa ng reklamong rape through sexual assault at multiple counts of acts of lasciviousness si Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ) noong August 19, 2024.

Kasama ni Sandro sa paghahain ng demanda laban sa umano’y nanghalay sa kanya sa loob ng kuwarto sa isang hotel, ang amang si Niño at ang legal counsel niyang si Atty. Czarina Quintanilla-Raz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last August 30 naman personal na nagtungo si Sandro sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para idemanda ang tatlong X at Facebook users na nagpapakalat umano ng fake news laban sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending