Vhong pinanindigan na walang kasalanan: Parang ako pa yung nababaligtad…alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo
MALUNGKOT at dismayado ngayon ang TV host-comedian na si Vhong Navarro dahil sa kinasasangkutang kaso na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Feeling ng komedyante, siya na nga ang nabiktima pero siya pa ang nadidiin ngayon sa isang kasong hindi naman daw niya ginawa.
Na-headline na naman si Vhong kamakalawa matapos sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kasunod ng paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya na inisyu Judge Angela Francesca Din ng Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court.
“After personally evaluating and taking into consideration the Information…as well as the allegations in the complaint affidavit executed by the offended party, which are all under oath, together with the supporting documents…
“As probable cause exists to hold the accused for trial, let a Warrant of Arrest be issued against accused Ferdinand ‘Vhong’ H. Navarro,” ang bahagi ng resolusyon ng korte.
Nagbayad ng P36,000 piyansa ang komedyante para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece noong January 2014. Ito rin ang dahilan kung bakit absent siya sa live broadcast ng “It’s Showtime” kahapon, September 19.
Naglabas si Vhong ng kanyang saloobin kaugnay ng kinasasangkutang kaso nang makausap ng ilang miyembro ng media matapos siyang magpiyansa.
View this post on Instagram
“‘Yun nga lang ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila Atty. (Alma Mallonga), ng aming legal team, tapos na, patapos na.
“Kaya nagulat kami, parang after ilang years, eto uli nabuhay,” ang sabi ni Vhong.
July, 2018 nang hatulan ng “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong grave coercion si Deniece at iba pang sangkot sa kaso na sina Cedric Lee at Jed Fernandez, sa Taguig City Metropolitan Trial Court.
Pagsapit ng April, 2018 ibinasura naman ng Department of Justice ang third rape complaint ni Deniece laban kay Vhong.
Sabi pa ni Vhong, “At parang ako pa yung nababaligtad. Na ako yung biktima, so parang ang hirap paniwalaan.
“So ako, mula noong 2014, inilahad ko lahat ng nangyari. Wala akong itinago, sinabi ko lahat.
“Alam ng Panginoon iyon. Nagsasabi ako ng totoo, kaya ngayon ang bigat ng loob ko. Ba’t parang ganito? Para mabuhay, at the same time, ngayon binabaligtad kami,” lahad pa ng Kapamilya TV host.
https://bandera.inquirer.net/322971/vhong-navarro-sinampahan-ng-kasong-rape-sa-taguig-komedyante-nag-react-alam-ng-panginoon-na-nagsasabi-ako-ng-totoo
https://bandera.inquirer.net/308403/cornerstone-entertainment-naglabas-ng-pahayag-ukol-isyu-ni-kit-thompson
https://bandera.inquirer.net/304113/rita-avila-dismayado-sa-interview-ni-boy-abunda-kay-vp-leni-parang-ayaw-mo-nang-pasagutin
https://bandera.inquirer.net/320408/nanay-ni-herlene-budol-dismayado-rin-sa-resulta-ng-bb-pilipinas-2022-para-po-sa-akin-ang-anak-ko-ang-winner
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.