Cult director Roman Perez ibubuking ang lihim ng mga rider at iba pang klase ng iskandalo sa 'Halo-Halo X' ng Vivamax | Bandera

Cult director Roman Perez ibubuking ang lihim ng mga rider at iba pang klase ng iskandalo sa ‘Halo-Halo X’ ng Vivamax

Ervin Santiago |October 05,2023
facebook
share this

Cult director Roman Perez ibubuking ang lihim ng mga rider at iba pang klase ng iskandalo sa ‘Halo-Halo X’ ng Vivamax

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

Cult director Roman Perez ibubuking ang lihim ng mga rider at iba pang klase ng iskandalo sa 'Halo-Halo X' ng Vivamax

Roman Perez, Jr. at ang cast ng ‘Halo-Halo X’

MAY bago na namang “tatambayan” ang mga supporters ng cult director na si Roman Perez, Jr. na mahilig sa mga kakaiba at nakakawindang na sex-suspense series.

Simula sa October 8, busugin ang inyong mga mata sa “Halo-Halo X”, ang napakakulay at kagat-labing serye sa Vivamax mula kay Direk Roman.

Meron itong apat na kuwento na isinulat at idinirek lahat ni Direk Roman, “Ako yung head writer. But I asked other writers like Roni Benaid and John Pacala to write the full script. Wakasan ito, kasi mas gusto ng viewers yung natatapos agad kaysa tung itutuloy ang kuwento.

“The stories here are based on the real life experiences of people I know,” aniya pa.

Ang unang episode ay pinamagatang “Extra Rider” na pinagbibidahan nina Victor Relosa bilang Jeremy, Denise Esteban bilang Dahlia, at Audrey Avila bilang Grace, kasama ang dating sexy star na si Yda Manzano bilang si Madam V.

Para sa dagdag kita, sumali si Jeremy sa isang grupo sa isang social network app kung saan ang mga rider na tulad niya ay nag-aalok ng “extra service” sa mga pasahero. Pinapatulan niya lahat, mapa-babae, lalaki, o bakla.

Sa pamamagitan ng kanyang regular client na si Madam V, nakilala niya si Dahlia, ang bata at magandang katulong ni Madam. Niyayabang niya sa kaibigan na “side chick” niya ito.

Sa katunayan, inuwi pa ni Jeremy si Dahlia at pinakilalang pinsan sa live-in partner niyang si Grace.
Dalawang babae sa iisang bubong ang pagsasabayin ni Jeremy. Samantala, may pangyayari kay Madam V na gagambala sa kanya.

Sa episode namang “Lucy Dreaming”, si Micaella Raz ay gumaganap bilang si Lucy, si Rash Flores ay si Ace, at si Andrea Garcia ay tatawagin ring Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Inimbitahan ni Andrea ang kapatid niyang si Lucy na mamalagi muna sa kanila. Masasaksihan ni Lucy kung paano magromansahan ang kanyang kapatid at ang asawa nitong si Ace, at siya mismo ay mahuhumaling sa kanyang brother-in-law.

Sa kanyang panaginip, ginagawa rin nila ni Ace ang ginagawa ng mag-asawa. Para mapalapit kay Ace, nag-volunteer siyang maging modelo sa ginagawang painting ni Ace at aakitin ito.

Sa wakas, matutupad na ang kanyang panaginip. Pero handa ba siya sa bangungot na haharapin kapag nalaman ito ni Andrea?

Baka Bet Mo: AJ Raval, Angeli Khang game na game na nagchurvahan sa ‘US X HER’; pinagsaluhan si Kiko Estrada

Sa episode na “Surveillance”, si Jela Cuenca ay gaganap bilang si Anya na susundan ng private investigator na si Rich na ginagampanan ni Benz Sangalang.

May suspetsa ang asawa ni Anya na may kalaguyo siya kaya pinapasundan nito kay Rich. Madali namang nakalapit si Rich kay Anya nang magkaroon ito ng biyahe sa probinsya.

Pero sa halip na mahuli niya ang babaeng ito sa piling ng ibang lalaki, siya mismo ang mahuhulog sa babae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Sa “Grade Conscious”, ang huling episode ng “Halo-Halo X”, makikita kung paano magpapakababa ang isang babae para lamang makamit ang pinakamataas na karangalan sa kanyang klase.

Si Ataska ay bibida bilang si Melissa, siya ang nakakakuha ng pinakamataas na marka sa kanilang klase. Pero hindi sapat ang kanyang matataas na grado para maging valedictorian dahil wala siyang extra-curricular activities.

Samantala ang kanyang kaklase na si Bernadette, ginagampanan ni Aiko Garcia, ay number 2 lamang sa academics, pero may posisyon sa CAT at student council.

May maitim na balak si Melissa kay Bernadette para hindi nito maagaw ang pwesto niya, at gagamitin niya si Gringo, ang lalaking may gusto sa kanya, para magawa ang kanyang plano.

Si Gringo ay ginagampanan ni Aerol Carmelo. Bukod kay Gringo, isang malaking tukso ang dala ni Melissa sa kanyang mga lalaking propesor.

Bumigay na sa pagnanasa sa “Halo-Halo X” na eksklusibong mapapanood sa Vivamax.

Roman Perez binansagang ‘Cult Director’, type gawan ng remake ang ‘Virgin People’ nina Pepsi Paloma at Myrna Castillo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending