Misis na-stress sa 'Disney Prince' na mister: Quota na 'ko sa kanya!

Misis na-stress sa ‘Disney Prince’ na mister: Quota na ‘ko sa kanya!

Ervin Santiago - December 15, 2024 - 12:10 AM
Misis na-stress sa 'Disney Prince' na mister: Quota na 'ko sa katamaran niya!

BUGBOG-SARADO ang lalaking netizen na nagpi-feeling “Disney Prince” sa pagsasama nila ng kanyang asawa na nagrereklamo na sa nararanasang hirap at stress.

Viral na ang hugot ng isang anonymous sender sa isang Facebook page tungkol sa kanyang mister na wala raw ginagawa para sa binubuo nilang pamilya.

Sa FB page na “PESO SENSE,” isinumbong nga ng isang 37-anyos na misis ang katamaran at pagiging iresponsable ng kanyang mister simula pa noong ikasal sila at magsama sa isang bubong.

Mula raw noon hanggang ngayon ay halos siya na lang lagi ang nagpo-provide sa kanilang mga pangangailangan, kabilang na ang pagbabayad sa groceries at utility bills.

Aniya, may work naman daw si mister bilang delivery rider pero napakatamad daw talaga nito at halos wala nang ambag sa kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Ai Ai naglagas ang buhok dahil sa stress; sa US planong magpabakuna kontra COVID-19

“Quota na ako sa katamaran and kawalang initiative niya. Kapag naubusan ng bigas or LPG, hihintayin pa talaga na ako ang bibili.

“Like if hindi ako gagawa ng paraan, waley kami sa bahay. Sobrang dependent na niya and it’s really giving me stress emotionally and mentally,” pahayag ni misis.

Patuloy pa niya, “Okay lang sana ako gumastos sa lahat kung madali din sya mautusan and matic sa mga dapat gawin sa bahay, kaso waley. Walang sense of urgency. Kelangan, time nya masusunod. Ultimo linisin ang cobwebs sa bahay, need pang pagsabihan.”

“I got tired na and want to end the year with a blast and kasali sya sa blast na yon. Pagod nako umintindi kahit paulit-ulit kong sinasabi sa kanya how I see things and kung anong dapat gawin niya.

“Vocal na vocal na ako for the past 4 years sa nararamdaman ko at sa mga gusto kong iimprove niya sa sarili niya. I feel like he doesn’t value my feelings and doesn’t respect me,” sumbong pa ng problemadong misis.

Ang tanong niya sa huli, “Are my reasons valid? Kapagod na and I feel like it’s no longer healthy for myself na laging nai-istress sa kanya.”

Marami namang sumagot sa question ni wifey at karamihan sa kanila ay pinayuhan siyang bumitaw na at iwan na ang kanyang asawa habang wala pa silang anak.

“Mas lalo ka ma stress kapag nagka anak kapa, kasi mas madagdagan na gastos mo, bubuhayin mo. At siempre kawawa ang bata kasi malamang ending nyo hiwalayan. Kaya habang wala pang batang madadamay, sige na. Be happy na.”

“Baka ang rason dahil wala pang anak..try to talk..heart to heart,UNG kalmado at seryoso.. Then Kung walang magbabago..time for you to run.”

“Buti na lang wala pa kayong anak baka ultimo pag aalaga sa anak mo, solohin mo at maging single parent style ka kahit may asawa ka. Yung tipong may asawa ka naman pero kargo mo na lahat pati anak.”

“Behavior rewarded is a behavior repeated.Walang magbabago! Dahil nkakatulog pdin sya ng mahimbing sa gabi ng katabi ka kahit ganyan ang behavior nya!”

“You deserve what you tolerate. You let him skate by while you’re the one stressing about everything.”

“Di bale na single kaysa magkaroon ng partner na tamad, pabigat… Stress lang ang mapala sa ganyan. Dapat fair, team work!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, your feelings are valid. Kaya nga po tayo nag-aasawa or nahanap ng partner ay para merong ‘katuwang’ sa buhay, someone dependable at kahit paano ay ka-wavelength natin when it comes to reaching our goals, but if dagdag pasanin at hindi willing mag-grow for you and for themselves, it’s not worth all the stress. Life is short, sender.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending