Babaeng netizen nagdyowa ng gwapo pero inutil: Nakakapagod!

Babaeng netizen nagdyowa ng gwapo pero inutil: Nakakapagod!

Ervin Santiago - November 03, 2024 - 08:00 AM
Babaeng netizen nagdyowa ng poging walang trabaho: Nakakapagod!

MGA ka-BANDERA at mga ka-Marites all over the universe, keribels lang ba kung magkadyowa ka ng gwapo pero walang trabaho?

Handa ka bang magsakripisyo nang bonggang-bongga para sa lalaking alam mong magiging pabigat lang sa buhay mo dahil wala nga siyang maiaambag sa relasyon n’yo kundi ang itsura lang niya?

Para sa isang babaeng netizen, tila nagsisisi na nga siya sa naging desisyon na magdyowa ng pogi sa kabila ng katotohanan tungkol sa katayuan nito sa buhay.

Ang dahilan ni Ate Girl, mababa raw kasi ang kanyang self-esteem kaya pumatol siya sa lalaking walang work pero gwapo.

Ibinahagi ng babaeng netizen ang isyu niyang ito sa online community na Reddit. Aniya, “Sa baba ng self-esteem ko, pumatol ako ng walang work pero pogi.

“Hindi kasi ako maganda. E alam kong papatulan ako kasi may work ako,” pag-amin ng netizen.

Baka Bet Mo: Edu naaliw sa media advisory ng ‘Mga Gwapo For Leni’, muntik magpa-presscon dahil kay Piolo

Sumbong pa niya, mula noong nagde-date pa lang sila ng guy hanggang ngayong mag-asawa na sila ay siya pa rin ang nagwo-work at bumubuhay sa kanilang pamilya.

“Mula nu’ng nag-umpisa kaming nag-date, ako lang gumagastos. Ngayon mag-asawa na kami, ako pa din nagwo-work. Tinuturuan ko ng work as a VA na sending emails lang, the most basic, pero hindi niya kaya.

“Minsan naiisip ko, hindi niya ba talaga kaya or kampante lang siya na willing naman akong provider so hindi siya nag-e-effort?” rebelasyon pa niya.

Pag-amin pa ng babaeng netizen, “Siya lang yung taong na-meet ko na walang kusang magkasariling pera. Tapos minsan sasabihin niya na naaawa siya sa sarili niya kasi mga batchmates niya mayayaman.”

Patuloy pa ni Ate Girl, “Background pala niya: naspoiled siya ng nanay at lola niya. 30+ na siya noong start ng dating stage namin e nanay niya pa din naglalaba damit niya at nagluluto para sa kanya.

“Dito sa bahay, sabi niya mag-houseband na lang siya. Ginagawa naman niya mga chores pero p*cha, lahat ng desisyon kung ano lulutuin, paano iluto, icocover niya daw ba mga di nakain ma food, san ba daw niya ilalagay ganito ganyan, ako pa din magdedesisyon.

“Nakakapagod!” ang hirit pa niya.

Narito naman ang mga comments sa nasabing socmed post.

“That’s not a prince, that’s a clown.”

“Pinili mo yan eh, that’s what they call settling for less.”

“Sorry op natawa ako sa thought na kaya pumayag nanay niya na makasal ung anak niya kasi mababawasan na burden niya sa bahay. Pinasa sayo. Damn.”

“Hindi yan Disney Prince, isang bato yan na pinukpok mo sa ulo mo. Goodluck OP it will be a lifetime burden. Lalo na if ever magka anak kayo.”

“Ang lesson dito, wag magjowa ng pang-display lang.”

“Posts like this give me a headache. I wanna feel bad for you bc I understand why you decided to do everything you did and keep doing, but like… hay.”

“Nag-asawa ka po ng voice-activated boy toy. Pero ate, ba’t naman po pinakasalan mo pa kung alam mo naman na ganyan na siya? Magiging pasanin mo yang taong yan. Di kaman lang matulungan mag hanap-buhay.”

“Ginusto mo yan, OP. Good looking naman diba, keri lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Red flag na pala bat ka nagpakasal? Sometimes it’s one’s fault bakit sila nasa situation na yan. Making big desicions without assessing the whole image of what will your life would look like if youre gonna be with that person. Financially, kahit di mayaman masipag ba? may initiative? Ano ba tingin nya sayo? ano ang values? Beliefs? ano ang goals nya? if may conflict paano ba nya hinahandle. Kaya may utak ang tao. Di dapat puro puso ang ginagamit, dapat samahan ng utak. I hope he changes, OP. or give him an ultimatum.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending