Gwapong aktor ayaw makatrabaho ng ilang celebs, bakit kaya?
AKALA namin kapag binanggit ang pangalan ng sikat na aktor bilang leading man ay magkakandarapa na ang lahat ng aktres at sinumang taga-pelikula, hindi pala!
Nasabi namin ito dahil tatlong aktres at aktor na ang tumangging makasama ang sikat na aktor sa pelikula at TV series na walang ibinigay na dahilan kundi busy sila.
Nagtataka kami dahil ano ang dahilan bakit ayaw ng mga kausap namin sa sikat na aktor.
“Wala namang dahilan na ayaw, hindi lang need kasi may iba akong ginagawa ngayon, so parang mas pipiliin ko ‘yung ngayon. Okay naman si ___ (sikat na aktor) pero hindi ‘yung tipong atat?” katwiran ng unang aktres.
Baka Bet Mo: Marian hindi pa handa sa pag-aartista nina Zia at Sixto Dantes
Say naman ng ikalawa, “Parang same rin kami ni ____ (unang aktres), may nauna kasing alok, so kahit hindi ganu’n kalaki ang talent fee at ‘yung ibang kasama ko sa movie, mas doon ako kaysa kay ___ (sikat na aktor).
“Wala naman akong masabi napakabait niyang artista at saka sikat, pero hindi ganu’n ‘yun, eh. Minsan timbangin mo rin,” aniya.
Mula sa isang aktor na kausap namin, “Ayaw ko sa mas guwapo sa akin. Ha-hahaha! Seriously, naka-oo na ako kay ____ (pangalan ng producer), ayoko namang magkaroon ng problema, may palabra de honor naman ako. Saka ‘tong project with him five shooting days lang ako, so puwedeng pakawalan.”
At sabi naman ng ikatlong aktres, “Siguro ibang project na lang, hindi magtagpo schedule namin.”
Nagtanong tuloy kami sa ibang naka-work na ng sikat na aktor kasi obviously parang may isyu sa kanya.
“Okay naman, hindi lang tuloy-tuloy mag-work gusto laging may pahinga, e, siyempre ‘yung iba gusto nang mabilis para makauwi na agad, e, ‘yung isang araw nagiging two days so, medyo magastos sa part ng producer, pero okay naman,” kuwento ng aming source.
Ah, yun naman pala!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.