2nd single ni Jeri Violago na 'Hindi Ka Nag-iisa' nakaka-LSS

2nd single ni Jeri na ‘Hindi Ka Mag-iisa’ nakaka-LSS; suportado ni Ogie

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 12:11 PM

2nd single ni Jeri na 'Hindi Ka Nag-iisa' nakaka-LSS, suportado ni Ogie

Jeri Violago at Ogie Diaz

ARAW-ARAW naming naririnig sa iba’t ibang radio stations ang bagong kanta ng Kapamilya young singer na si Jeri Violago, ang “Hindi Ka Mag-iisa.”

In fairness, marami na ang nakakaalam ng lyrics ng second single ni Jeri mula sa Tarsier Records, isa sa mga record label na pag-aari ng Star Music at ABS-CBN.

Nu’ng minsan nga kaming nakasakay sa isang PUV, talagang sumasabay ang driver at ilang pasahero habang tinutugtog ang “Hindi Ka Mag-Iisa”.

Baka Bet Mo: Ka-lookalike ni Matteo Guidicelli na si Jeri Violago Star Music talent na; gustong makatrabaho sina Kathryn, Daniel, Liza at James

Kaya sabi namin, unti-unti nang gumagawa ng sarili niyang marka si Jeri sa music industry at nagbubunga na rin ang kanyang pagtitiyaga at kasipagan bilang OPM artist. Last year ay itinanghal na Best New Male Artist ang binata sa Aliw Awards.

Ang “Hindi Ka Mag-iisa” ay ang follow-up track sa successful release last year ng kanyang first single na “Gusto Kita” na naging theme song din ng maraming kabataan para sa kanilang mga crush.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JERI (@jeriviolago)


Kuwento ni Jeri marami na siyang natapos na kanta na magiging bahagi ng kanyang debut album na ilalabas na very soon.

“May mga kantang tapos ko na. Pero ang gusto ng Tarsier Music is isa-isa ’yung pino-promote, nilalabas para focused talaga ’yung kanta,” sabi ng binata sa ginanap na launching ng “Hindi Ka Mag-iisa” recently.

Bongga nga ang second single ni Jeri dahil bukod sa universal theme nito about love na maraming makaka-relate na kabataan, talagang ma-e-LSS ka sa kanta at mapapasabay ka sa mga lyrics nito.

Pero knows n’yo ba na kahit marami na siyang nasulat na kanta about love and inspiration, never pa raw siyang nagkaroon ng girlfriend.

Baka Bet Mo: Vina OK na ang relasyon kay Cedric Lee, hiwalay na ba sa dyowang afam?

“Maraming nagustuhan, pero hindi ako sinasagot. Hindi ako ’yung popular kid sa school. Ako ’yung medyo torpe. Hindi naman nagtatagumpay. Hindi nagkakasunduan ang feelings namin,” ang pag-amin ni Jeri.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JERI (@jeriviolago)


Pero sigurado kami na maraming girls ang magkakandarapa ngayon sa binatang singer dahil nga sa pinasisikat niyang mga original songs.

Sabi pa niya, “I like how I’m able to express myself and it makes me more confident. Sana nga po mabigyan pa aki ng more opportunities to perform.”

Wish din ni Jeri na maka-collab in the future si Zack Tabudlo, Ben&Ben at ang mga bandang The Juans, Lola Amour at SunKissed Lola.

Available na ang mga kanta ni Jeri sa iba’t ibang digital music platforms.

Samantala, present din sa launching ng bagong single ni Jeri ang OPM icon at award-winning songwriter na si Vehnee Saturno.

“Jeri has all the good qualities to make him a top singing heartthrob. He’s got a good voice, he’s well bred, he’s good looking and very talented and he has great appeal to the fans,” sabi ni Vehnee na isa sa mga mentor ni Jeri.

Sinuportahan din ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz ang single launch ni Jeri. Dito, pinuri ni Papa O ang pagiging mabait, disiplinado at pagiging marespeto ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Jeri sa mga produkto ng acting workshop at personality development na isinasagawa ni Ogie kaya naman kering-keri na rin ng Kapamilya singer ang sumabak sa aktingan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending