Ka-lookalike ni Matteo Guidicelli na si Jeri Violago Star Music talent na; gustong makatrabaho sina Kathryn, Daniel, Liza at James | Bandera

Ka-lookalike ni Matteo Guidicelli na si Jeri Violago Star Music talent na; gustong makatrabaho sina Kathryn, Daniel, Liza at James

Ervin Santiago - February 15, 2023 - 08:06 AM

Ka-lookalike ni Matteo Guidicelli na si Jeri Violago Star Music talent na; gustong makatrabaho sina Kathryn, Daniel, Liza at James

Jeri Violago

IN FAIRNESS, deserve na deserve ng baguhang young artist na si Jeri Viola ang mabigyan ng pagkakataon na maging talent ng Star Music.

Bukod sa kanyang artistahing aura ay may karapatan talaga siyang maging performer dahil sa ganda ng kanyang boses na pwedeng-pwedeng ilaban sa mga batang singer ngayon ng Kapamilya Network.

Masayang ibinalita ni Jeri o Jericho Violago, na natupad na ang isa sa mga pangarap niya mula pa noong bata pa siya – ang makilala bilang singer at songwriter. And yes, contract artist na nga siya ngayon ng Star Music.

Todo ang pasalamat ng binata sa Star Music dahil kahit wala pa siyang napatutunayan sa music industry ay pinagkatiwalaan agad siya at pinapia agad ng kontrata bilang singer, co-producer at composer.

Na-interview na namin last year si Jeri at narinig na rin namin ang boses niya nang magpasampol siya ng mga songs na madalas niyang kantahin sa mga special events at live shows.

At masasabi naming promising ang bagong Star Music talent na pwedeng-pwede ring mag-artista. Maraming nagsasabi na napakalaki ng pagkakahawig nila ni Matteo Guidicelli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jericho Violago (@jerichoviolago)


Ayon sa young singer, pitong kanta na ang na-compose niya at pipiliin daw nang husto ng mga bossing ng Star Music kung ano ang pinakabagay na kanta na puwede niyang maging debut single.

“They are still choosing what song yung magiging first track na iri-release. It should be a song na talagang babagay sa akin at makaka-relate yung mga ka-age ko,” sabi ni Jeri.

Nakachikahan namin si Jeri at ng ilan pang members ng showbiz press bago siya mag-perform sa isang event ng Holy Family Parish sa Kamias, Quezon City.

Siya ang nangharana sa mga napiling “My Fair Lady” na isa-isang rumampa sa loob ng church kung saan ginanap ang naturang event bilang bahagi ng fiesta celebration ng nasabing barangay.

Samantala, bukod sa pagkanta, game rin daw sumabak sa pag-arte si Jeri kung mabibigyan ng pagkakataon ngunit hindi naman daw siya nangangarap na maging bida agad-agad.

Naniniwala ang binata na may tamang panahon para sa lahat ng bagay at mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang musical career.

Sa mga celebrities, gusto niyang maka-collaborate sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano at ang ka-lookalike niyang si Matteo Guidicelli.

“Si Liza gusto ko talagang makasama, pero nasa ibang bansa na siya, di ba? Pati si James (Reid), di ba?

“And I also like Kathryn, Daniel. Since I grew up watching them, ang ganda ring makasama sila sa acting. Kahit ang mga role ko ay kaibigan,” sey pa ni Jeri na payag na payag ding gumanap na younger brother ni Matteo.

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Paolo nakiusap na siya na lang ang banatan: No one else deserves it, ako lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matteo Guidicelli sinagot ang pregnancy rumors tungkol kay Sarah: Ang sexy nga ng asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending