Marian hindi pa handa sa pag-aartista nina Zia at Sixto

Marian hindi pa handa sa pag-aartista nina Zia at Sixto Dantes

Ervin Santiago - March 18, 2024 - 08:00 AM

 

Marian hindi pa handa sa pag-aartista nina Zia at Sixto

Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

HINDI man diretsahang binanggit ni Marian Rivera, mukhang hindi pa sila payag ni Dingdong Dantes na mag-artista ang dalawa nilang anak.

Natanong kasi ang Kapuso Primetime Queen sa isang event kung okay siya sa possibility na makatrabaho sina Zia at Sixto Dantes sa kanyang future projects.

Ayon kay Marian, mas gusto muna nilang bigyan ng privacy ang mga bata bilang proteksyon na rin sa mga outside forces.

“Actually, hindi naman sa pinagkakait namin ‘yan sa kanila. Siyempre, nirerespeto din namin ang privacy ng mga bata.

Baka Bet Mo: Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

“But not to the point na itinatago namin. Kung anuman meron kami ipinapakita in social media is katiting lang ‘yun ng totoong nangyayari sa totoong buhay,” paliwanag ni Marian.

Samantala, abangers na ang mga fans ng wifey ni Dingdong Dantes sa pagbabalik niya sa primetime sa pamamagitan ng upcoming GMA series na “My Guardian Angel” kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Ito ang first time na magkakatrabaho sina Marian at Gabby sa isang family drama na magsisimula na sa darating na April.

Baka Bet Mo: Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto

Gaganap namang anak nina Marian at Gabby sa “My Guardian Angel” ang Sparkle child star at isa sa mga bumida sa “Voltes V: Legacy” na si Raphael Landicho.

Inamin din ni Marian na totoong  extra careful na siya sa pagpili ng mga projects. Dito sa bago niyang programa, gaganap siya bilang isang alien.

Ayon pa sa celebrity mom, siguradong mag-eenjoy at makare-relate sa “My Guardian Angel” sina Zia at Sixto.

“Gusto ko talaga ihatid ‘yung kuwento ni Katherine (karakter niya sa serye), ‘yung ito na nga, My Guardian Alien, so gusto ko ihatid ‘yan sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Good news ‘to kasi para talaga ito sa inyo mga bata, kasama ang pamilya n’yo. Kasi, ang ganda kasi may mapupulot kang maraming aral,” sey ni Marian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending