Dingdong Dantes sa naibentang kabaong niya: Medyo comfy siya

Dingdong Dantes sa naibentang kabaong niya: Medyo comfy siya

Therese Arceo |February 17,2024
facebook
share this

Dingdong Dantes sa naibentang kabaong niya: Medyo comfy siya

Therese Arceo - February 17, 2024 - 12:21 PM

Dingdong Dantes sa naibentang kabaong niya: Medyo comfy siya

NAG-REACT ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa balitang naibenta sa halagang P250,000 ang kabaong na gamit niya sa pelikulang “Rewind”.

Matatandaang bumida sila ng asawang si Marian Rivera sa naturang 2023 Metro Manila Film Festival na talagang pumalo sa takilya kaya naman hindi kataka-takang ito na ang highest grossing film of all time.

Matapos nga ng halos 2 buwan mula nang ipalabas ito, nagdesisyon ang may-ari ng St. Athanustus Memorial Chapel na si Pasky Ilagan na ibenta ang hiniram na kabaong sa kanila na siyang ginamit ni Dingdong sa “Rewind”.

Lumapit ang may-ari sa vlogger at businessman na si Boss Toyo at diretsahang ipinahiwatig ang kagustuhan nitong ibenta ang naturang kabaong at nagtagumpay naman ito nang magkasundo sila sa presyong P250,000.

Ibinahagi naman ni Dingdong ang post ng entertainment reporter na si MJ Felipe ukol sa pagkakabenta ng kanyang ginamit na kabaong.

Chika niya, “Mejo comfy siya ha….”

Baka Bet Mo: ‘Kabaong’ ni Dingdong Dantes binili ni Boss Toyo ng P250k

May panawagan pa nga si Boss Toyo kay Dingdong kung maaari itong bumisita sa kanyang shop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sir Dingdong alam ko nanonood ka lagi ng Pinoy Pawnstar.Nandito sa harapan ko ‘yung hinigaan mo sa Rewind so I hope kapag nagkasundo kami ni Sir [Pasky], pasyalan mo naman ako dito sa aking munting shop para mapirmahan,” sey ni Boss Toyo.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang pabirong reaksyon ni Dingdong sa balita.

“wag ka papayag wala bayad pirma idle [idol],” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reply naman ni Dingdong, “‘Yung pirma manggagaling daw sa susunod na gagamit.”

“Paano yun comfy hahaha yun bang wala ng bangon bangon at gising. sa halip na coffin naging comfy nga,” comment naman ng isa.

Sey pa naman ng isang netizen, “Ang sad naman kng kelan patay kna saka mo plang maeenjoy ang pirma ni Dingdong Dantes sa kabaong [laughing emoji].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending