Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto | Bandera

Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto

Reggee Bonoan |November 07,2023
facebook
share this

Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto

Reggee Bonoan - November 07, 2023 - 08:03 AM

Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto?

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

GUSTUNG-GUSTO ng mga anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sina Zia at Sixto ang fried chicken sa isang kilalang fast food chain kaya siguro nagkaroon sila ng ideya na kumuha ng franchise nito.

Sitsit ng aming source, nakipag-meeting na raw ang mag-asawang Dong at Marian sa may-ari ng fastfood at namamahala nito para pag-usapan kung paano sila makakakuha ng prangkisa.

At nabanggit naman daw sa kanila na sila ang maghahanap ng lugar na pagtatayuan nito pero dapat aprub ng food chain owner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Tinatayang nasa P35 million na ang prangkisa ng bawa’t store ng food chain na nagsimula lang sa P14 million kaya maraming celebrities at politiko na ang nakakuha nito.

Baka Bet Mo: Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Nabanggit din ng aming source na ang branch ng sikat na senador na nasa South ay super lakas dahil nasa busy street sa kanilang lugar at tila planong magdagdag pa.

Nakyutan daw ang mga may-ari ng food franchise kina Zia at Sixto kaya huwag nang magtaka kung isang araw ay may TV commercial na rin ang pamilya Dantes.

* * *

Tila hindi na tinatablan ng kahihiyan ang isang aktres na kontrobesryal ngayon dahil unti-unti nang lumalabas ang mga lihim niya.

Akala namin ay iilang tao lang ang nakakaalam sa ginawa ng aktres sa aktor kung saan nagkasama sila ng isang gabi.

Hindi naman kiss and tell ang aktor, pero nabukelya siya dahil may nakakita pala sa kanya kasama ang kontrobersyal na  aktres.

Baka Bet Mo: Alden may hugot sa ‘chain reaction’ machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA

Anyway, in a relationship ang aktor at nalaman na rin ito ng kanyang karelasyon na pinagsimulan ng gusot nila pero parati pa rin silang nakikitang magkasama kapag may dinadaluhan silang mediacon kaya hindi halatang meron silang problema.

Si kontrobersyal na aktres ay kaliwa’t kanan ang projects kaya siguro dedma siya dahil wala siyang oras sa mga bashers dahil busy siya sa trabaho niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang malinaw ay hindi na rin kinakausap ang kontrobersyal na aktres ng karelasyon ng aktor dahil sa kahihiyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending