Marian: Gusto kong maging aligagang nanay...ako 'yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school | Bandera

Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Ervin Santiago |August 28,2022
facebook
share this

Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 01:32 PM

Marian Rivera hands-on mommy sa 2 anak

Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

HANDS-ON nanay pa rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kahit bisi-bisihan na sa kanyang showbiz career.

Kahit tuluy-tuloy na ang kanyang pagtatrabaho ngayon, sinisiguro ng TV host-actress na nagagampanan pa rin niya ang pagiging wifey at mommy.

Bukod dito, may inaasikaso pang mga negosyo si Marian kaya naman mapapa-sana all ka na lang dahil kering-keri nga niya ang lahat ng responsibilidad at trabaho niya bilang all-around nanay.

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Ngayon nga ay enjoy na enjoy siya sa pag-aasikaso sa dalawang anak nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto, lalo pa’t balik na sa face-to-face ang mga klase sa halos lahat ng school sa bansa.

Sa katunayan, nito lang nagdaang linggo ay nag-viral pa sa social media ang Instagram photo ni Sixto o Ziggy na naka-Lapu-Lapu costume para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Mismong si Marian daw ang nag-prepare nito para sa anak.

Sa panayam namin kay Marian kasama ang iba pang piling members ng entertainment press sa naganap na “9.9 Super Shopping Day” grand launch ng Shopee, siya raw talaga ang naghahatid at sumusundo sa mga anak.

“Gusto ko maging aligagang nanay, so ine-enjoy ko na hinahatid ko ‘yung mga anak ko sa school.

“Kasi si Sixto, nagpi-face-to-face classes na rin siya. Ako ‘yung gigising, ako nagpapaligo, nagpe-prepare ng baon and then hinahatid sa school.

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“And then si Dong kapag wala siyang work, kaming dalawa ‘yung naghahatid sa school, ang sarap sa feeling na ako mismo yung nag-aasikaso sa mga kailangan nila,” pahayag ni Marian.

Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat makalipas ang halos tatlong taong paglaban ng mga Filipino sa pandemya, natutuwa si Marian na makita sina Zia at Sixto na nag-eenjoy na sa face-to-face classes.

“Unexpected kasi si Sixto, first-time niya at na-enjoy niya. Tapos kinukuwento niya kung ano nangyayari sa school.

“Well, si Zia naman, nakapasok na rin siya before. Super excited, sabi niya, ‘Mama, iba talaga when you go to school and then face-to-face with your classmates and teachers,’” kuwento pa ng Kapuso star at celebrity mom.

Nagpasalamat naman si Marian sa lahat ng sumuporta sa sitcom nila ni Dong sa GMA na “Jose and Maria’s Bonggang Villa”. Napanood na kagabi, August 27, ang kanilang season finale.

In fairness, consistent top-rater every Saturday night ang nasabing programa kaya naman maraming DongYan fans ang nalungkot sa pagtatapos nito kahapon.

“Very thankful kami sa pagtanggap talaga ng tao and sabi ko nga, siguro bonus na lang ‘yung ratings na yan.

“Ang mahalaga ‘yung nabuo naming family sa set, tapos kami ni Dong nagkasama ulit kami sa isang show. So ‘yun ‘yung mga talagang nilo-look forward at tine-treasure namin na nagkaroon kami ng isa pang pamilya ulit,” pahayag ni Marian.

Samantala, ibinalita rin ng wifey ni Dingdong ang magaganap na non-stop fun and entertainment sa “9.9 Super Shopping Day TV Special” sa September 9, 9:35 p.m. sa on Shopee Live at GMA 7.

Exciting performances are lined up for the event with Marian and Dingdong, kasama pa sina Michael V, Carla Abellana, at iba pang Kapuso stars.

Mensahe ni Martin Yu, Director ng Shopee Philippines, “We are thrilled to be welcoming the busiest sale season of the year with our users, sellers, and communities from all over the Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We aim to be a platform that harnesses the power of technology to help all of our stakeholders and the community — whether it’s through our impactful CSR initiatives or exciting double day sales. We invite everyone to join us in making this our most meaningful celebration yet,” aniya pa.

Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Marian, Dingdong nakauwi na sa bahay, sabik na niyakap ang anak na sina Zia at Sixto

Marian, Dingdong nakauwi na sa bahay, sabik na niyakap ang anak na sina Zia at Sixto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending