Maine 4 na ang pag-aaring fastfood chain: Buhay-reyna kahit hindi na magtrabaho | Bandera

Maine 4 na ang pag-aaring fastfood chain: Buhay-reyna kahit hindi na magtrabaho

Jun Nardo - November 15, 2019 - 12:40 AM

MAINE MENDOZA

ABA, bubuksan na rin pala ang ikaapat na global food chain na pag-aari at ineendorso ni Maine Mendoza! Located naman ito sa Muzon, San Jose.

Nagkaroon ito ng soft opening kahapon, Nov. 14 at sa Nov. 23 naman naka-schedule ang grand opening nito ayon sa sunud-sunod na tweets ng fans ni Meng.

Nagbukas ang unang branch ng bonggang negosyo ng Phenomenal Star sa Sta. Clara last August, 2017.

Sinundan ito ng opening ng kanyang branch sa Pulong Buhangin noong December, 2018 at nitong June, 2019 lang ay ang Sta. Maria branch naman ang nagbukas.

Naku, kahit Eat Bulaga at Daddy’s Gurl lang ang regular shows ni Maine ngayon with matching endorsements eh, buhay na buhay na siya, huh! Kahit nga siguro hindi na siya mag-work ay magbubuhay-reyna na siya hanggang sa pagtanda.

Pero sabi nga ng kanyang fans and followers sa social media, keri lang ‘yung once a year na paggawa ng pelikula at ituloy lang ang Eat Bulaga at Daddy’s Gurl at huwag naman totally mawala sa showbiz.

Samantala, nasa Dubai ngayon ang Eat Bulaga Dabarkads kasama si Meng for a special show kaya siguradong maligayang-maligaya ang mga kababayan natin doon na matagal nang naghihintay sa pagbisita ng buong tropa.

Samantala, tumanggap naman ng award ang sitcom nina Maine at Vic Sotto na Daddy’s Gurl. Ito ang nanalong Best Comedy Program sa katatapos lang na 41st Catholic Mass Media Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending