Ate Girl kinuntsaba ang BFF para padalhan ng flowers sa opisina

Ate Girl kinuntsaba ang BFF para padalhan ng flowers sa opisina

Ervin Santiago - February 18, 2025 - 06:00 AM

Ate Girl kinuntsaba ang BFF para padalhan ng flowers sa opisina

Stock image

RELATE much ang ilang netizens sa isang empleyadong babae na nagpahayag ng “self love” sa kanyang open letter sa social media.

Inamin ni Ate Girl na may pagkakataon daw sa kanyang buhay na bumili siya ng flowers na ipinadala niya sa opisina kung saan siya nagwo-work para isipin ng mga tao na meron siyang secret admirer.

Ibinahagi niya sa online community na Reddit na ginawa niya ito noong 2017 at bagong-bago pa lamang siya sa trabaho. Naaalala pa niya nang bumili siya ng bulaklak para ibigay sa sarili.

“I used to have flowers brought to my office by my ex pero ngayon wala na akong boyfriend pero happy naman ako for the people who received them today,” ang simulang pagbabahagi ng letter sender.

Pagpapatuloy pa niya, “I told my then best friend na gusto kong ma surprise sa Valentine’s and I proposed an idea to exchange flowers. I would buy flowers and send it to her office while she does the same for me.

Baka Bet Mo: Big deal para kay JC de Vera ang mapasama sa cast ng ‘Flower of Evil’; may 2 pelikula pa katambal sina Janine at Alex

“Ang gaga pinadala after sa valentine’s day but anyways at least pinadala (I was a placeholder friend before so kahit na ganon ang treatment sa akin okay lang).

“So, yun na nga pumasok ang delivery man (hindi pa uso ang Grab nuon) sabay sabi ‘Para kay Maám *toot*’. Lahat ng officemate ko sumigaw at kinilig. HAHAHAAHAHAHAHA!!!

“May card pa yun sabi ‘Love you’. Hahahahaahah!!! Tanong sila ng tanong kung sino nagbigay. Sabi ko hindi ko inexpect na padadalhan niya ako HAHAHAHAHAAHA!! Pinost pa yung picture ko na dala yung flowers with the caption ‘Ang winner!'” aniya pa.

Pagkatapos daw niyang gawin ito, after one year ay nagkaroon na siya ng dyowa na nagbibigay sa kanya ng flowers tuwing Valentine’s Day.

Narito ang ilang comments na nabasa namin mula sa kga netizens.

“Ito na ba ang bagong ritwal para magka boyfriend? hahahaha cutie!”

“May officemate ako dati na ganito. Alam naman ng lahat na single siya, kasi puro drama ang posts, puro hugot kahit normal conversations. Tapos biglang may dumating na flowers. Di ko na maalala kung pano nabuko eventually, pero nakakaawa na nakakatawa siya.”

Di ko naisip yan. Magawa nga HAHAHAHA!”

“My best friend and I did this too, but instead of flowers, we sent cakes to each other with the caption, “Happy Valentine’s Day, Love” Gulat lahat ng katrabaho ko because they know that I’m single. They were like, “Kelan ka pa nagka boyfriend?????””

“Can we normalize giving flowers to any of your loved ones, such as best friends and friends? Coz why not?!”

“Hmmm. Madadownvote ako dito. But just my 2 cents.. Nothing wrong naman to buy yourself a flower or kung binigyan ka ng flower ng friend mo. Pero yung para sa isipin sa office na may admirer ka is cringe”

“Bakit late ko na nabasa? Hahahahaa mysterious new employee sana ako”

“Di mo pinost kagad OP, Di ko tuloy nagawa oh well, next year nalang HAHAHAHAHA!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I can buy myself flowerssss!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending